top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya sinusumbatan ng fans… KATHRYN, TODO-SIGAW NOON NA NEVER IIWAN SI DANIEL, AYAW NANG BALIKAN NGAYON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 28, 2024
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 28, 2024





ILANG buwan pa lang nang mabunyag sa publiko ang paghihiwalay ng tambalang KathNiel 

(Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) na eleven years tumagal ang relasyon,

kaya hindi matanggap ng kanilang mga fans na sila ay magkakahiwalay. 

Pero, tinapos na nga ni Kathryn ang anumang kaugnayan niya kay Daniel, at kahit na ano’ng panunuyo ang gawin ni Daniel ay ayaw nang bumalik sa kanya ni Kathryn.

Pati ang mga KathNiel fans ay todo na rin ang pakiusap na bigyan nito ng second chance ang aktor. Pero matigas ang loob ni Kathryn, at mas pinili niya ang kanyang kalayaan. 

Kaya naman, sinusumbatan si Kathryn ng mga loyal fans ni Daniel. Ipinaaalala nila kay Kath ang mga lumang interviews nito na nagsasabing mahal na mahal niya si Deejay, na hindi niya ito iiwan. 

‘Yan ang isinusumbat at ipinaaalala ng mga fans ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page