Kaya sinugod sa bar… BARBIE, IBINULGAR NA PAULIT-ULIT NA BINASTOS NI DEBBIE
ni Beth Gelena @Bulgary Files | December 20, 2022

Ayon kay Barbie Imperial, ayaw na niyang magkaroon pa ng kaugnayan kay Debbie Garcia, ang actress na kanyang sinugod umano sa isang bar last month.
Sa isang panayam sa aktres, nabanggit niyang naka-move on na siya sa nangyaring gulo sa kanila.
Aniya, hindi siya nagsalita noon dahil nasa korte na umano ang kaso, pero hanggang sa kasalukuyan daw ay wala siyang update sa isinampang kaso sa kanya.
Nakaka-puzzle naman ang sinabi ni Barbie na may malalim na isyu sa pagitan nila ni Debbie na maaaring naging ugat ng pagsugod niya rito.
Ani Barbie sa kanyang IG, “Honestly, for me kasi, we were friends before, something happened lang na malalim. Ako naman po, hindi naman ako ‘yung tao na nagagalit if wala naman, chances were given before pero 'pag inulit-ulit kasi, parang bastos na, ‘di ba?”
Wala pa raw siyang natatanggap na subpoena sa kasalukuyan ngunit handa naman daw siyang harapin ito sakali mang matuloy ang kaso.





Comments