top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kaya sarap na sarap sa alaga ng BF… BEA, BUSOG SA FOOD AT FLOWERS KAY DOMINIC

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | January 26, 2022





Sunud-sunod na naman ang endorsements ni Bea Alonzo this year at pagkatapos siyang ipakilalang bagong endorser ng kape, parang may isa pa siyang bagong endorsement ng Pascual Lab kasama sina Heart Evangelista, Solenn Heussaff at Alice Dixson.


May bago ring TVC si Bea for Lazada.


Anyway, pinakilig ni Bea ang mga shippers nila ni Dominic Roque sa sagot niyang “The way he loves me. The way he takes care of me. Sarap pala ng inaalagaan,” sa tanong ng fan nila na “What do you like about Dom the most?”


Nagpauna na ang BeaDom fans na walang ex na pinasasaringan si Bea sa sagot niyang ito, nagsasabi lang daw nang totoo si Bea dahil talaga namang sobra siyang alagaan ni Dominic.


Bukod sa alaga siya sa food, madalas ay may pa-flowers ang aktor at kahit ilang weeks pa ang Valentine’s Day, binigyan na niya ng tulips si Bea.


Waiting nga ang mga BeaDom fans sa Valentine’s Day gift ng aktor sa GF at kung saan sila magse-celebrate. Last year, wala pa silang relationship reveal kaya hindi natin alam how they celebrated V-Day. Ngayong open na sila, hintayin natin kung paano sila magse-celebrate ng Valentine’s Day.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page