top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaya raw umatras sa movie… HIRIT NG FANS: BEA, WA' BILIB SA GALING NI ALDEN DAHIL 'DI MAGKA-LEVEL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 5, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 5, 2023




May tampo raw ang ilang fans and supporters ni Alden Richards sa aktres na si Bea Alonzo dahil sa pagba-back-out nito sa pelikulang pagtatambalan sana nila ng aktor na A Special Memory na base sa Korean adaptation ng pelikulang A Moment to Remember.


Hindi naniniwala ang mga fans na ang busy schedule ni Bea ang dahilan kung bakit umayaw ito na ituloy ang movie nila ni Alden.


Feeling ng mga fans ni Alden ay nakukulangan o hindi bilib si Bea sa kakayahan ng aktor sa pag-arte at hindi magka-level ang kanilang status in terms of popularity, kahit na ang pelikulang pinagtambalan nina Alden at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye ay gumawa ng history bilang highest-grossing PH Film of All Time.


Samantala, sa mga aktor na nakapareha ni Bea, tanging ang tambalan nito kay John Lloyd Cruz sa mga pelikulang ginawa nilang dalawa ang pinakatinangkilik ng mga moviegoers.


Ngayon nga ay may proyektong gagawin si Bea sa GMA-7 kasama ang aktor na si Dennis Trillo, ang seryeng Love Before Sunrise. Dito ay tiyak na mapapalaban sa seryosong aktingan si Bea.


Match na match ang personalidad nilang dalawa ni Dennis at hindi rin naman nagkakalayo ang edad nila.


Well, ang nararapat na gawin ng mga fans ng aktor ay tanggapin na lang ang katotohanang hindi swak ang tambalan nina Alden at Bea. 'Wag nang ipilit pang pagsamahin silang dalawa.


Sa sobrang kaguwapuhan ni Alden ay talagang nagmimistulang bagets ang hitsura nito, kaya hanapan na lang siya ng ibang partner na mukhang bata rin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page