top of page

Kaya raw todo-displey naman… KARYLLE, SINISI ANG MADLANG PIPOL NA INEENGGANYO ANG MGA RICH NA IPAKITA ANG YAMAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 1
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 1, 2025



Karylle - FB

Photo: Karylle - FB


Pati si Karylle, nagsalita na sa talamak na korupsiyon sa ating bansa. 

Sa isang TikTok video, nagpahayag ang singer-actress ng pagkadismaya.


“I just saw it on Facebook (FB). It’s a retired journalist who said this, her name is Chelo Banal-Formoso in the FB post so we still need to verify. ‘Let’s say that the Discaya piece was not a paid placement. They claim that this was a lifestyle feature, okay, good, because that happens, I guess, ‘di ba? 


“But the second that they saw the huge car garage, and those many super expensive cars, that lifestyle story should have instantly turned into an investigative story. That has a point there. Not then and then pero siguro, dapat may follow-up story,’” pahayag ni Karylle.

Binanggit din ni Karylle ang fascination ng tao, ng society sa kayamanan at pagiging mayaman.


“The flaunting is so 2025, that’s what I keep saying. We like these things,” ayon pa kay Karylle at sinundan ng “We encourage it kaya ang tapang nila ipakita,” na ang tinukoy ay ang publiko o tayong mga tao na nag-e-enjoy sa display ng wealth ng ibang tao.



‘Di nagtatago…

BARBIE AND JAMESON, HOLDING HANDS SA MALL AFTER MANOOD NG SINE


Spotted uli sina Barbie Forteza at Jameson Blake na holding hands habang naglalakad after manood ng sine. Hindi kumpleto ang info ng nag-post ng photos ng dalawa kung saang cinema ng mall sila nanood at kung ano’ng movie ang kanilang pinanood.

Ang sabi lang ng TikToker na nag-post, may new celebrity couple na raw pala at sina Barbie at Jameson ‘yun. 


Pinuri nito ang dalawa dahil hindi umiwas sa mga fans at game pang nagpa-picture. Hindi rin nila itinago na nag-holding hands sila dahil nakunan silang nakatalikod na naglalakad.


Obvious na sinundan ng netizen sina Barbie at James dahil likod lang ang nakunan niya habang sila’y naglalakad. 


Comment ng mga fans, kahit daw nakaharap, papayag silang makunan ng larawan dahil hindi nga nagtatago.


May tsika pa na galing Isabela si Jameson at pagbalik ng Manila, sila ni Barbie ang magkasama. Isa pang tsika, binigyan daw ni Jameson si Barbie ng book at ang pagiging bookworm ang isa sa kanilang pinagkakasunduan.


Anyway, may Viu Hallyu Dash 2025 Fun Run kahapon at kabilang si Jameson sa mga tumakbo kahit wala siya sa cast ng Beauty Empire (BE) na katatapos lang ang streaming sa Viu. Si Barbie ang nasa cast ng series, pero wala ito, nasa Cebu para sa promo ng series na airing pa rin sa GMA-7. Si Jameson daw ang representative ni Barbie, bagay na ikinatuwa ng mga fans.


Sa September 11, streaming sa Netflix ang Kontrabida Academy (KA), ang project nina Barbie at Jameson kasama si Eugene Domingo. May chance na ang BarSon fans na mapanood together sina Barbie at Jameson.



NAPANOOD namin ang TikTok Live ng Kapuso at Sparkle artist na si Lexi Gonzales na na-trapped sa baha sa Bgy. Quirino 2-C, Pajo Street sa Quezon City. Umiiyak ang aktres na nanawagan na tulungan ang mga residente ng nasabing lugar sa dinanas na baha noong Saturday, August 30. Kahit binaha, tinulungan pa rin siya ng mga residente na maiahon ang binaha niyang kotse at makaalis.


Sabi ni Lexi, “Natatakot ako para sa sarili ko kasi lumulubog na ‘yung kotse ko sa baha. Nawala lahat noong nakita ko ‘yung sitwasyon nila rito. “Walang-wala ‘yung problema ko sa problema nila. At walang rescue, walang pumunta rito para tulungan sila.”


Dagdag ni Lexi, “Pero kahit na lagi ‘tong nangyayari, walang pumupunta para tumulong. Sila-sila lang. Pero kahit na nahihirapan na sila, tinulungan pa rin nila ako.”

Nakiusap si Lexi sa mga nanood ng kanyang TikTok Live na tulungan ang mga residente ng Quirino 2-C.


“Kung mayroon pong gustong magpadala ng tulong, ‘wag n’yo pong kakalimutan ang mga tao sa Bgy. Quirino 2-C, Pajo Street. Please send help po sa kanila, matindi rin po ang baha sa lugar nila,” panawagan ni Lexi.


May mga epal lang na inakusahan ang isa sa cast ng Cruz vs. Cruz (CVC) na attention seeker lang daw si Lexi.


Agad naman siyang ipinagtanggol ng mga netizens na nakapanood ng kanyang TikTok Live. Hindi raw ito umiyak para mapansin siya, kundi para humingi ng tulong para sa mga naapektuhan ng baha.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page