Kaya raw super happy na… HEART, SINAMAHAN NI SEN. CHIZ SA PAGRAMPA SA PARIS
- BULGAR
- Feb 6, 2023
- 2 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters! | February 6, 2023

Napanood namin ang latest upload ni Heart Evangelista sa kanyang YouTube channel na may titulong, HEART IN PARIS: SHOPPING, FILIPINO MART, AND HANGING OUT WITH FRIENDS.
Gandang-ganda kaming panoorin ang video ni Heart habang rumarampa siya sa Paris, France bilang parte ng trabaho niya dahil maririnig sa background ang ‘action and stop.’
Kinukunan kasi ang branded niyang damit at mga alahas for publicity at ilang ikot at lakad ang ginawa ni Heart na halatang pagod na at ginaw na ginaw dahil naninigas na ang mga kamay pero ‘pag sinabing “Action!” ay nawawala lahat ang nararamdaman nito dahil napakanatural at relaxed na.
Pagkatapos ng isang photo shoot ay takbo naman sa isa pa si Heart, kaya sa isang araw siguro ay nakaka-tatlong photo shoot ang isa sa mga fashion icon at influencer ng Pilipinas.
After ng work niya ay isinasabay na niya ang pag-iikot sa branded outlet para mamili ng pampersonal at ang pinaka-gusto naming parte ng video ay ang sinabi niyang, “We are on our way to the Filipino grocery! Meron bang pancit canton?”
Sa ilang beses ni Heart sa Paris, France ay Filipino ang laging nagda-drive sa kanya para mapuntahan lahat ang lakad niya.
Si Heart at ang Pinoy driver lang lagi ang ipinakikita kaya curious kami kung sino ang kumukuha sa kanila ng video sa kabilang side. At saka namin nalamang kasama pala ang hubby niyang si Senator Chiz Escudero sa pagbalik niya sa Paris para sa Fashion Week after the Holiday Season.
Inamin ni Heart sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas na malaki ang naitulong ni Sen. Chiz sa pagsama nito habang nagwo-work siya roon.
“Lalo siguro siyang nakakatulong na maging masaya ako with my
work, with my life—because I’m supported,” sambit nito.
Samantala, kapansin-pansin na hindi lang si Heart ang masaya ngayon kundi maging si Sen. Chiz. Ito’y dahil makakasama niya ang asawa sa kaarawan nito at natapat na Araw ng mga Puso rin ang Pebrero 14.
Ito ang nabanggit ng senador sa panayam sa kanya ni Karen Davila, nandito sa bansa si Heart sa Feb. 14 kaya magkasama sila sa importanteng araw na ito.
Ibinahagi naman ni Heart ang life lesson bago madagdagan ang edad niya sa kaarawan niya.
“You become happy when you embrace your growth and when people around you support you.
My husband has been very supportive lately.”





Comments