top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya raw sila naghiwalay ni Cesar… SUNSHINE, SISING-SISI SA PAGIGING SEXY STAR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 5, 2023
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 5, 2023




Inamin ni Sunshine Cruz na isa sa mga naging malaking parte ng paghihiwalay nila ng ex-husband na si Cesar Montano ay ang pagpapa-sexy niya noon.


Sumalang ang aktres sa Fast Talk with Boy Abunda at dito ay tinanong siya ng host na si Boy Abunda kung pinagsisisihan ba niya na gumawa siya ng sexy movies noon.


Diretsong sagot ni Sunshine, “There was a time na ni-regret ko ‘yun, especially naging malaking parte ‘yun ng aming separation ng aking ex-husband.”


Patuloy niya, “But at the end of the day, mas naging stronger ako, mas natuto ako and ang ginawa ko lang, Tito Boy ay mas pinatunayan ko sa mga tao na hindi lang ako sexy star or bold star.


“I can also be a singer, I can be an actress, and most especially, I am a good mom. I know that for a fact. Lahat naman tayo, nagkakamali, nagkakaroon ng maling desisyon nu’ng mga bata pa tayo, pero ang importante ay kung ano tayo ngayon.”


Bahagya ring nagsalita si Sunshine tungkol sa paghihiwalay nila ng ex-boyfriend na si Macky Mathay at aniya, mas pinili na lang niyang manahimik na lang dahil may mga batang involved tulad nga ng mga anak niya at anak din ni Macky.


Aniya, sa isang relasyon ay may tatlong mahahalagang elemento para maging successful at ito ay ang love, trust and respect.


“'Pag may isang nawala ru'n, it’s not going to work,” she said.


Sa tanong kung ano ang nawala sa tatlong ‘yun sa relasyon nila ni Macky at ni Cesar, aniya ay parehong “trust.”



Sa tanong kung may 3rd party bang involved sa paghihiwalay nila ni Macky, sey niya ay wala siya sa posisyon na sabihin ito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page