top of page

Kaya raw pala lumindol... NUDE PHOTO NI HEART NA MAY TATTOO NA PUSO SA LIKOD, PINAGPIYESTAHAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 18 hours ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 29, 2025



Photo: Heart Evangelista - IG



Pinagpipiyestahan ngayon ng mga netizens at fans ni Heart Evangelista ang kanyang ‘pa-likod’ photos sa Instagram (IG).


Sa kanyang latest post ay makikita ang mga nude photos ng aktres at fashion icon pero siyempre, may takip namang malaking towel ang kanyang harapan at tanging likod lang niya ang kanyang ipinakita.


Caption ni Heart, “Rise and shine, and I did exactly that.”

Sa mga naturang larawan ay very visible rin ang heart tattoo ni Heart sa kanyang makinis na likod.


Pinusuan ng libu-libong followers at sandamakmak din ang reaksiyon sa comment section ng post ni Heart.


May nagbiro pa na ito raw ang naging dahilan ng earthquake nu'ng isang araw. Hahaha!

Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments:



“OMG! (Oh, my God!) Sooooo gorgeous!!!”

“Kaya pala lumindol. May nagpasabog ng kagandahan!!!!”

“Bakit ‘di ka tumatanda? Huhuhu! Sana all! (heart eyes)

“Sobrang LATINA (heart eyes & fire emoji)”

“‘Di po talaga kami lalaban (heart eyes emoji).”



NAG-DATE muna pala ang celebrity couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali bago pumasok ang huli sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.


Si Bianca ang pinakabagong house guest sa naturang reality show at dahil ilang araw din silang hindi magkikitang magdyowa, they took time out to spend quality time together bago pumasok ang aktres sa Bahay ni Kuya.


Ipinost ni Ruru sa kanyang IG ang mga larawan and videos ng bonding time nila ni Bianca at sey niya sa caption, “Date muna bago pumasok ng bahay ni Kuya si Isadora.”


At kahit kakapasok nga lang ni Bianca ay nami-miss na siya agad ni Ruru. As we all know, bawal ang cellphone sa loob ng PBB house kaya hindi rin sila puwedeng mag-usap sa telepono or kahit text message man lang habang naroroon ang aktres.


Samantala, sa pagpasok ni Bianca sa PBB house ay sinabi niya kay Big Brother sa confession room na ang namayapa niyang ina ang isa sa mga dahilan kung bakit siya pumayag na maging house guest.


“Ang mommy ko po mula Season 1, mahal na mahal po n’ya ang programa n’yo, mahal po n’ya ang bahay n’yo. 


“Sa totoo lang, isinama ko s’ya, nandito po s’ya ngayon,” sey ni Bianca at ipinakita ang old photo niya kasama ang kanyang ina.


Ibinahagi ng aktres na pumanaw ang kanyang ina noong 5 taong gulang pa

lamang siya dahil sa breast cancer.


“In the duration of her breast cancer journey, kayo po ang kaligayahan n’ya. Gusto ko rin pong iparating sa inyo, Kuya, na noong wake ng mommy ko, sa sobrang mahal n’ya ang show n’yo at alam po ng tao ‘yun, ‘yung AVP po na ginawa para sa memories n’ya.


“Ang theme song po ay ‘yung theme song n’yo, ‘yung ‘Pinoy Ako.’ Kaya po excited ako kasi ito pong experience na ito ay para sa kanya. Sobrang maraming salamat po,” sey ni Bianca kay Big Brother.



NAGSIMULA nang mapanood kahapon (May 28) ang first variety show ng BINI na BINIversus sa BINI YouTube (YT) Channel.


Mapapanood sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena sa iba’t ibang masasayang challenges kung saan ang BINI mismo ang magsasalitan sa pagiging game masters at players kada episode.


Tiyak na kaaaliwan ng Blooms ang BINIversus dahil bibida rito ang kalog side ng bawat miyembro kung saan magpapakitang-gilas ang mga ito sa iba’t ibang challenges na swak sa kani-kanilang BINIverse tampok ang mga personal na interes at hilig ng girls.


Samantala, puwede ring masaksihan ang extended kulitan moments ng BINI sa BINIverse Chaos: Unreleased Scenes. Tampok dito ang eksklusibong episodes ng bloopers at never-before-seen scenes ng variety show, na mapapanood lamang ng Super Kapamilya members sa ABS-CBN Entertainment YT channel simula Mayo 30 (Biyernes).


Patuloy ang pagbibigay-saya at inspirasyon ng BINI sa lumalawak nilang pamilya na Blooms.


Sa ngayon, nagsimula na ang kanilang BINIverse World Tour (BWT). Makisaya kasama ang BINI sa BINIversus na libreng napapanood worldwide sa official YT channel ng BINI.


May bagong episode na ipapalabas kada Miyerkules. Mag-subscribe naman bilang Super Kapamilya member sa ABS-CBN Entertainment YT channel para mapanood ang extended scenes sa BINIversus Chaos: Unreleased Scenes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page