Kaya raw niya kahit 5 yrs. pa, Derek… ELLEN, UMAMING 1 YR. NANG WALANG SEX
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 7, 2026

Photo: FB Bimby Aquino
Matapos ang paghihiwalay nila ng mister na si Derek Ramsay noong nakaraang taon, inamin ni Ellen Adarna na celibate na siya ngayon, na ang ibig sabihin ay hindi nakikipag-sex o gumagawa ng anumang sexual activity.
Ibinunyag niya ito sa latest episode ng vlog ni Alex Gonzaga kung saan isa siya sa mga guests, along with Arci Muñoz.
Habang nagluluto ng adobo ang tatlo ay napag-usapan nila ang mga buhay-buhay, kabilang na, of course, ang kani-kanilang personal life.
Sa isang bahagi ng kanilang tsikahan ay tinanong ni Alex si Ellen ng “Ikaw ba, naghahanap pa? ‘Di na?”
In a heartbeat, sagot ng estranged wife ni Derek, “Hindi, nag-give up na ‘ko.”
Kasunod nito ay sinabi niyang one year na siyang celibate at itutuluy-tuloy niya ito for 5 years.
“Nag-vow na nga ako ng 5 years celibacy. Celibate na ako, one year na,” aniya.
Hirit naman ni Alex, “‘Di ako maniniwala sa ‘yo.”
Sagot naman ni Ellen, “Uy, one year down, 4 years to go!”
Dagdag pa niya, “And non-renewable!”
Samantala, tinanong siya ni Alex kung wala bang nanliligaw sa kanya at sey naman ni Ellen, “Merong nagpapapansin, merong mga nagte-text, pero parang ‘di talaga ako interested. It’s closed!”
Ayon pa kay Ellen, sa lahat daw ng mga married friends niya, apat lang ang nakita niyang talagang masaya ang married life at kasama na rito si Alex.
First time magsasama… PRAMIS NI VICE: MARAMING ARAL SA MOVIE NILA NI BOSSING VIC
MAGSASAMA sa unang pagkakataon sa isang pelikula sina Unkabogable Superstar Vice Ganda at Bossing Vic Sotto para sa The Greatest Showdown (THS), mula sa direksiyon ni Jun Robles Lana, na mapapanood ngayong 2026.
Mainit ang naging pagtanggap ng mga fans sa pagsasanib-puwersa ng dalawang box office stars matapos ianunsiyo mismo nina Vice at Vic na nais nilang magbigay-saya at katatawanan sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang pelikula.
“Kailangan naming magsanib-puwersa para ibigay ang tawa, halakhak, at kaligayahan na kailangan ng mga Pilipino. Hardcore, todo-comedy ang gagawin naming dalawa,” pahayag ni Vice tungkol sa pelikula.
'Dagdag pa ni Vic, “Ang pelikulang ito ay magbibigay-ligaya sa taong bayan. Magpapasaya tayo at magpapatawa tayo. Sinisiguro rin namin na marami kayong mapupulot na aral.”
Ang The Greatest Showdown ang nagsisilbing unang kolaborasyon nina Vice at Vic at ipo-produce ito ng ABS-CBN Studios, Star Cinema, The IdeaFirst Company, M-Zet Productions, at APT Entertainment.
IBINULGAR ng Kapuso actor na si Allen Ansay na matagal na siyang tumigil sa panliligaw sa ka-love team na si Sofia Pablo.
Inamin ito ng aktor sa comment niya sa isang TikTok (TT) video at nilinaw na okay sila ni Sofia at walang gap o whatsoever.
“Gusto ko lang pong linawin na okay po kami ni Sofia. Wala pong iniwan, nagpaasa, o nambalewala sa kahit kanino. Para na rin po sa tamang impormasyon, matagal na pong ‘di naipagpatuloy ang panliligaw ko kay Sofia, nu’ng March pa po,” sey ni Allen.
Aniya, nananatili pa rin ang respeto nila sa isa’t isa kahit nagbago na ang direksiyon ng kanilang mga priorities.
“Maayos po naming inirerespeto ang isa’t isa, at nagbago lamang ang direksiyon ng aming mga priorities, lalo na po sa trabaho. Pinili lang po namin na ‘di magsalita tungkol dito dahil personal naman po ito,” aniya.
Nakiusap din si Allen sa mga netizens na itigil na ang pagpapakalat ng mga maling balita tungkol kay Sofia at nagpasalamat sa patuloy na sumusuporta sa kanila.
“Sana po ay tigilan na natin ang pagpapakalat ng mga maling kuwento o false narratives tungkol kay Sofia. Wala po s’yang ginawang masama. Sana ay patuloy ninyo kaming suportahan sa kani-kanya naming journey. Maraming salamat po sa lahat ng patuloy na sumusuporta,” pahayag ng aktor.





Comments