top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kaya raw nakakabili ng luho… ELISSE, TINAWAG NA KABIT NG PULITIKO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 12, 2026



FRANKLY - ELISSE, TINAWAG NA KABIT NG PULITIKO-IG _elissejosonn

Photo: IG _elissejosonn



Tinatawanan na lang ni Elisse Joson ang malisyosong comment ng isang basher na mistress siya ng isang politician.


Sa Instagram (IG) post ng aktres ay makikita ang pagsasanay niya sa pangangabayo.

“Oh, what a memorable riding day with Luna girl (horse emoji) learned how to canter, had my first fall, and somehow left loving this sport even more,” caption ni Elisse.


Sa comment section ay may isang rude netizen na nagkomento ng “Si ante (Elisse); na makapag-flex, eh, nangangabit lang naman ‘yan ngayon sa politician kaya nakakabili ng luho.”


Good thing, hindi naman napikon si Elisse sa kanya at idinaan na lang sa tawa ang hindi magandang komento kasabay ng pagtanggi sa akusasyon.


“Hahaha! Not true (laughing emoji),” ang maikling sagot ng aktres.

Ang mga netizens ang na-offend at ipinagtanggol nila si Elisse.


“Mayaman po ‘yan sila, ang laki kaya ng mga lupain ng angkan nila rito sa Bataan,” sey ng isa niyang follower.


“Maglabas ka ng ebidensiya baka sakali. Ang hilig gumawa ng kuwento,” mensahe naman ng isa pang netizen sa basher.


Bago ito ay nilinaw na rin ng aktres sa isang TikTok (TT) post noong January na hindi siya kabit.


“Time to clear the air — not a kabit. Never was,” ang pahayag niya.





TALAGA namang filed under ‘favorite’ ng viewers ang romantic drama series na You’re My Favorite Song na since Day 1 ay pinupusuan on-air at online.


Bukod kasi sa mataas na ratings ng seryeng pinagbibidahan nina Caprice Cayetano, Heath Jornales, Marco Masa, at Clifford, trending din ito online.


Umabot na rin sa mahigit 100 million views sa lahat ng social media platforms. 


Ngayon ngang back to his schoolboy era na si Miguel (Heath), hindi magkamayaw ang CapEath shippers dahil mas marami pang nakakakilig na eksena ang mapapanood sa pagitan nila ni Angel (Caprice). Pero siyempre, hindi papatalo ang CapCo at CapFord shippers.


Marami rin ang kinikilig sa love-hate relationship nina Angel at Calix (Clifford).



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page