top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kaya raw naghanap ng iba… JASON, 'DI MAKA-SEX SI MOIRA DAHIL SA DEPRESSION

BULGAR
Jun 4, 2022
2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 4, 2022



Speaking of Moira and Jason’s separation, may kumakalat na ibang anggulo sa social media tungkol sa hiwalayan ng mag-asawa.


Inamin na ni Jason na nag-cheat siya sa misis niyang si Moira. Pero 'di raw ‘yun third party at parang may naganap lang na “tikiman.”


Ang latest na tsika na ikinagulat namin ay si Moira raw ang unang “nagloko” at 'di si Jason. At ang iniuugnay na lalaki kay Moira ay ang singer-composer din na si Zack Tabudlo. Si Zack ay naging contestant sa The Voice Kids Season 1 ng ABS-CBN.


Nalaman namin ang tungkol kay Zack sa isang mensahe mula sa isang concerned netizen na umiikot sa socmed.


Ayon sa concerned netizen, mula sa mga close friends ni Jason ay nilinaw nila na walang ibang lover si Jason, babae o lalaki man. Hindi rin daw ito bading at never nagka-affair.

Ang mali raw ni Jason ay nagpunta sa "spakol" for sex. Ito raw 'yung inamin ni Jason na unfaithfulness niya kay Moira.


Sabi pa nu'ng concerned netizen mula sa mga close friends ng mag-asawa, kaya raw nagawa ni Jason 'yun ay diumano, hindi sila nagse-sex ni Moira dahil depressed ang singer.


Na-guilty daw si Jason kaya ikinumpisal niya ito kay Moira. Kaya lang, nag-backfire raw kay Jason.


And then, may karugtong na tsika na nu’ng nasa Dubai si Moira, nag-spend time raw ang misis ni Jason kay Zack. Kaya, inaakusahan si Moira ngayon ng ibang netizen na ginamit niya raw ang confession ni Jason para makipaghiwalay.


Matagal na raw may problema ang mag-asawa. Naghintay lang daw ng tamang opportunity si Moira na hiwalayan si Jason.


Labis daw naapektuhan ang pamilya ni Jason na very down-to-earth at ayaw sa showbiz spotlight.


Tuesday pa raw sumabog ang balita pero hanggang ngayon, wala pa ring ibinibigay na statement si Moira. Parang hinayaan na lang daw niya na “katayin” si Jason ng publiko habang ine-enjoy daw niya ang positive attention.


Dahil d’yan, sinilip namin ang Instagram ni Moira kung saan may post siya ng pictures nila ni Zack. At sa caption ng IG post niya ay kita kung paano nag-enjoy si Moira with Zack sa una nilang pagkikita, plus may pa-ILY (I love you) pa sa huli na ikina-react ng mga netizens.


“ILY daw Zack.. eto pala 'yung sinasabi ni ano na kasama ni Moira, kaya pala. Kawawang Jason.”


“ILY agad, kaka-meet lang. Parang ano naman 'yan, siya pa na babae mismo ang unang nag-ILY, pero kaya naman niya, malakas ang loob niya, why not?”


“Pinagbintangan ka, beh, ikaw daw may kabit.”


May mga nagtanggol din naman kay Moira kontra sa alegasyon ng ibang netizens.


“Ano'ng masama ru'n? They already met virtually so for sure, nagkakausap na as friends so when they met.”


“The issue between Moira and Zack is not true, stop buying it nor spreading it. The two just collaborated for a song, nothing more.”


“Hangga't hindi nagsasalita si Moira, lahat ng nababasa n'yo online will be considered as fake stories and false information. Let Moira speak up when she's ready enough, hindi 'yung pinapangunahan n'yo na where in fact, wala naman talaga kayong alam sa nangyari."


Kailan nga kaya magsasalita si Moira? May plano kaya siyang magsalita?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page