top of page
Pokwang.jpg

Kaya raw may media coverage… ALDEN, GUSTONG IPAALAM NA NAMIGAY NG RELIEF GOODS

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 7, 2020
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | December 7, 2020




Bukas na, December 8, ang concert ni Alden Richards billed Alden’s Reality, the first virtual concert in the country. At para ma-experience kung paano manood ng virtual reality concert, humabol nang bumili ng tiket. May limited tickets pang available sa General Admission sa 9 pm at 11 pm for Dec. 8 slot at 10 am slot sa Dec. 9, puwede pang humabol.


Excited na si Alden, ang production team headed by Director Paolo Valenciano at ang mga producer ng Alden’s Reality sa magiging feedback ng audience at kung paano tatanggapin ang first virtual reality concert sa bansa.


Sabay sa concert ni Alden ang debut ng new single niyang Goin’ Crazy na sa napakinggan naming teaser ng song, iba siya sa mga naunang songs ni Alden at magugustuhan ng kanyang mga fans.


Bago ang Alden’s Reality concert, may award pang humabol kay Alden at ito ay ang pagkakasama niya sa The 10 Most Influential Celebrities of the Decade mula sa EdukCircle. Kabilang pa sa listahan sina Angel Locsin, Anne Curtis, Vice Ganda, Bea Alonzo, Sarah Geronimo, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Maine Mendoza, at Coco Martin.


Isa pang magandang balita na dumating kay Alden ay ang pagkaka-feature ng Star Cinema movie nila ni Kathryn na Hello, Love, Goodbye sa Golden Globe Awards under the New Asian Cinema category. Ang nasabi ring pelikula ay muling ii-stream sa Netflix sa Christmas eve.


Also, may nang-bash kay Alden kung bakit ipinost niya sa social media ang pamimigay niya ng relief goods sa Marikina City. May rason naman pala ang aktor, gusto niyang ipaalam sa mga nag-donate na nakarating na sa tao ang kanilang donations.


Galing sa livestream ang more than P220,000 donations, pero dahil after two months pa niya makukuha ang pera, inabonohan muna niya ang pagbili ng supplies sa relief packs na ipinamigay sa mga taga-Marikina.


Nai-report ang ginawang pagtulong ni Alden sa page ng Nas News Asia ng Palestinian-Israeli blogger na si Nuseir Yassin. Dahil dito, baka sa susunod na charity streaming ni Alden, mas marami pa ang mag-donate.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page