Kaya raw ipinatawag ni P-Du30 sa M'cañang… SARA-WILLIE SA 2022
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 19, 2021

Makahulugan ang imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa host ng Wowowin na si Willie Revillame para sa isang hapunan sa Malakanyang nitong nakaraang Huwebes (March 18).
Kasama nila sa dinner si Sen. Bong Go at tumagal nang halos 4 at kalahating oras ang pag-uusap nina P-Du30 at Willie kung saan pinagsaluhan nila ang isda, sitaw at talong bilang menu sa Palasyo that day.
Una nang lumabas ang balitang nagkausap sa telepono sina Willie at Pang. Digong. Napapanood pala ng pangulo ang programa ng TV host at nalaman niyang tumulong si Kuya Wil sa mga jeepney drivers na nawalan ng hanapbuhay nu'ng mag-lockdown, gayundin sa mga kababayan natin sa Catanduanes, Marikina at Montalban na sinalanta ng sunud-sunod na super typhoon noong nakaraang taon.
At ngayong kumalat ang larawan nina P-Du30 at Willie sa Malakanyang, umugong uli ang espekulasyong inaalok ang Wowowin host na kumandidato sa national elections sa 2022.
May bali-balitang magbi-bise-presidente si Willie sa anak ng pangulo na si Mayor Sara Duterte na maugong na nag-aambisyong tumakbo sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa 2022 national elections.
"Pag-iisipan kong mabuti. Ipagdarasal ko," ang matipid na sagot lang daw ni Willie nang matanong tungkol sa alok ni P-Du30.





Comments