top of page
Search
BULGAR

Kaya raw inayawan ng pamilya ng BF… KYLINE, TAMEME SA KALAT NANG PANANAKIT KAY MAVY

ni Julie Bonifacio @Winner | December 3, 2023




Another on-and-off screen lovers na mainit ding pinag-uusapan ang hiwalayan ay ang Kapuso artists na sina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.


Medyo kakaiba lang ang “drama” ng hiwalayan nila sa public. Kasi, lumalabas na si Mavy ang aggrieved party dahil sa bintang ng pamilya ng aktor na pananakit ni Kyline sa kanya.


Of course, ang pamilya ni Mavy na tinutukoy namin ay sina Carmina Villarroel, Cassy at Zoren Legaspi.


Kalat ang akusasyon ng pamilya ni Mavy kay Kyline sa print, TV at socmed. Hindi isang beses namin napanood sa show ni Carmina with her children na sina Mavy and Cassy kung gaano sila ka-vocal sa relasyon ng male star kay Kyline.


Pati si Zoren ay ka-join din sa paglabas ng kanyang pag-ayaw kay Kyline dahil sa isyu ng sakitang pisikal.


Sa isyung ito, nagtataka naman kami kung bakit nananahimik lang si Kyline at ang kampo nito sa ibinabatong pananakit niya kay Mavy.


True ba talaga na sinaktan niya si Mavy? O may kuwento behind the “sakitan issue”?


Suskopo, sa laki at tangkad ni Mavy ay nakaya siyang saktan ni Kyline?


O baka naman kaya tahimik si Kyline at kampo niya ay dahil bumubuwelo lang sila at magsasalita sa takdang panahon?


Baka naman may “bombang” pasasabugin si Kyline kaya nagmamasid lang muna sa mga nangyayari?


At bakit hinahayaan ng GMA-7 management na may ganitong isyu kay Kyline to think na she’s a homegrown talent ng network?


Hmmm….




0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page