top of page
Search

Kaya raw inaayawan ng madir ng gold medalist… GF NI CARLOS YULO, TODO-DISPLEY NG PUWET, HALOS LUMUWA NA ANG 'FLOWER'

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida  | August 8, 2024


Showbiz News
Photo: Chloe Anjeleigh San Jose / FB

Tila nabago na ang ihip ng hangin dahil kung dati, ang daming naaaliw at natutuwa sa girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose, ngayon ay marami na ang naiinis sa kanya. 


Naniniwala ang karamihan na naimpluwensiyahan niya si Kaloy at inilalayo sa pamilya nito.


Hindi raw nito inirerespeto ang magulang ni Carlos at sinasagut-sagot pa ang ina ng boyfriend na si Angelica Poquis Yulo. 


Hindi rin nagugustuhan ng ibang netizens ang mga sexy photos niya sa Instagram, lalo na ‘yung ipinapakita ang kanyang puwet. May isa pa ngang picture na muntik nang makita ang pinaka-private part niya.


Comment ng mga nanay, kahit naman sila, hindi papabor kung ang magiging nobya ng anak nila ay tulad ni Chloe dahil liberated daw. ‘Yun daw siguro ang nagustuhan ni Carlos sa kanya, ang pagiging liberated.


Mahilig din daw i-shade ni Chloe ang ina ni Carlos at waiting na ang mga netizens sa magiging reaksiyon nito after ng presscon ni Mrs. Yulo. 


Ang laging paalala kay Chloe, girlfriend pa lang siya ni Carlos, hindi pa asawa. Kaya lang, mukhang doon na mauuwi ang kanilang relasyon dahil nga laging magkasama at si Chloe San Jose ang kinakampihan ng two-time gold medalist sa Paris Olympics 2024.


 

Nasa USA si Lovi Poe, kaya sa Instagram (IG) na lang ito nagpahayag ng lungkot sa pagpanaw ni Mother Lily Monteverde na nagbigay sa kanya ng maraming pelikula sa Regal Films na naging Regal Entertainment.


Aniya, “We mourn the loss of someone who was not just a mentor but a guiding light in the industry. Mother Lily’s wisdom and unwavering support shaped my career in ways words can’t fully express. She gave me my first break and though she is no longer with us, her impact and memory will forever guide and inspire me. I will never forget you.”


Ang ganda ng ginamit ni Lovi na photo nila ni Mother Lily sa kanyang post. Nakayakap siya sa lady producer at parehong maganda ang kanilang mga ngiti. 


Tama ba kami na ang last movie na ginawa ni Lovi ay sa Regal Entertainment?


Samantala, aliw ang ginawang promo ni Lovi sa sunblock na gawa ng ini-endorse niyang SCD (Skin Care Depot) beauty, cosmetic & personal care. Naka-two-piece bikini si Lovi Poe at nakasukbit sa bikini bottom niya ang SCD sunblock na nakaharap at makikita ang pangalan ng produkto.


 

Nakakuha ni Angelu de Leon ang galit ng viewers ng Pulang Araw (PA) sa husay ng pagganap niya sa karakter ni Carmela Borromeo dahil sa kalupitan sa magkapatid na sina Eduardo dela Cruz (Alden Richards) at Adelina dela Cruz (Barbie Forteza). 


Minumura si Angelu ng mga viewers tuwing inaaway ang magkapatid, lalo na kapag sinasaktan si Adelina. Kasunod sa mura at galit ang pagso-sorry sa kanya at pinupuri ang husay niyang umarte.


Sa kuwento ni Angelu sa Fast Talk with Boy Abunda, nabanggit na humingi siya ng permiso kay Pasig City Mayor Vico Sotto bago tinanggap ang project. 


Kaya siya nagpaalam sa mayor ng siyudad kung saan siya nanunungkulan ay para balanse ang trabaho niya bilang konsehal at artista.


“Siyempre, may mga taping days na kailangan du’n. Para rin in respect du’n sa trabaho ko ngayon bilang konsehal ng Pasig. Kailangang magpaalam para hindi lagi s’yang naghahanap. 'Nasa’n si Angelu? Bakit wala?'" sabi ni Angelu.


Samantala, may cute na convo sina Angelu at David Licauco sa Instagram (IG) ng aktres. Tinanong siya ni David ng “Mrs. Borromeo, paumanhin, bakit masama kayo kay Aderina (Japanese ang role ni David, kaya Aderina ang tawag n’ya kay Adelina)?" 


Ang sagot ni Angelu, “Manood ka ng Pulang Araw para malaman mo kung bakit?”



Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page