top of page

Kaya raw ikinasal na kay Zanjoe… RIA, 3 MONTHS NANG BUNTIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 4, 2024
  • 1 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Abril 4, 2024



 

Tatlong buwan na umanong nagdadalantao si Ria Atayde sa first baby nila ng mister na si Zanjoe Marudo. Ito ang ibinalita ni Cristy Fermin sa kanyang Cristy Ferminute program.


Sabi ni 'Nay Cristy, “Tungkol po du’n sa pagdadalantao ni Ria Atayde, mas maganda po kung diretso nating maririnig ang pag-amin mula sa mag-asawa o kaya ay sa kani-kanilang pamilya.”


“Pero may source po kami na nagsabi na tatlong buwan na raw pong nagdadalantao ngayon si Ria Atayde na talaga namang ikinatutuwa ng magkabilang pamilya Marudo at Atayde,” patuloy niya.


Matatandaang ikinasal sina Zanjoe at Ria noong March 23 sa pamamagitan ng civil ceremony at ang mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte ang nag-officiate ng kanilang kasal.


Bago pa man ikasal ang mag-asawa ay may mga sitsit nang preggy si Ria pero hindi naman sila nagbigay ng pahayag tungkol dito.


Well, if true ay magandang balita ito and sure kaming isa sa mga unang pinakamasaya ay si Sylvia Sanchez na noon pa sinasabing gusto na niyang magkaroon ng apo.


Pero tulad nga ng sabi ni 'Nay Cristy, hintayin na lang natin na manggaling sa mag-asawa ang kumpirmasyon or pagtanggi.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page