Kaya raw hiniwalayan ni Andrea… RICCI, KALAT NANG MAY DYOWANG BAKLA
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 28, 2023

Pinabulaanan ni Ricci Rivero ang usap-usapan na may karelasyon siyang bading na diumano’y isa rin sa mga dahilan ng breakup nila ni Andrea Brillantes.
Sa panayam kay Ricci sa Fast Talk with Boy Abunda ay sinabi ng basketbolista na mataas ang respeto niya sa LGBTQIA+ community, pero hindi naman daw aabot sa punto na magkakaroon siya ng karelasyon mula rito.
“Sobrang laki po kasi ng respeto ko sa LGBTQIA community, sobrang napapaligiran po ako ng part ng community na ‘yan,” aniya.
“Simula po noon, nu’ng nakapasok po ako sa industry na ito, even sa basketball naman, madami po talaga akong nilu-look up, in a way na ‘yung personality nila, ‘di ba? The way they carry themselves.
“Na alam ko po, mataas ‘yung respeto namin sa isa’t isa, sa kanilang lahat, na hindi naman po aabot sa romantic relationship,” paglilinaw niya.
Diretsong tinanong ni Kuya Boy si Ricci kung straight siya at agad ding sumagot ang ex-boyfriend ni Andrea ng, “Opo.”





Comments