top of page

Kaya raw blooming, Marco… CRISTINE, HAPI NA NATAGPUAN NA ANG TAMANG TAO SA BAGONG BF NA LAWYER

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 days ago
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | March 25, 2026



Cristine Reyes - Instagram

Photo: Cristine Reyes - Instagram



Inamin ni Cristine Reyes na masaya ang kanyang puso ngayon dahil sa tamang pagtrato sa kanya ng kanyang bagong boyfriend na si Atty. Gio Tingson.


Blooming ang aktres nang maging sila ng non-showbiz boyfriend matapos ang relasyon nila ng aktor na si Marco Gumabao.


Ani Cristine, “Sobrang saya ko ngayon, at kakaiba talaga ang pakiramdam ‘pag alam mong nasa tamang tao ka na sa buhay mo.”


Ayon naman sa mga netizens, tama lang daw na naghiwalay sila ni Marco dahil natagpuan na ni Cristine Reyes ang tamang lalaki para sa kanya.

Sey ng mga netizens:


“Wow, congrats idol Cristine, sana ay kayo ng BF mo ngayon hanggang dulo.”

“Hala! Parang nag-mature si Cristine Reyes.”


“Pahinga-hinga rin ‘pag may time. Parang maubusan ng jowa sa mundo. Hahaha!”

“Ganyan naman lagi ang linya n’ya sa umpisa. LOL (laugh out loud).”

“Sana, forever na ang inyong relasyon. Cristine find peace now with Gio. No more cheating at parehong financially stable. Both are matured enough at may good job. Good luck sa inyong dalawa.”


“I’m happy for you, Tine. Dapat lang, someone like you will be respected. You deserve that treatment.”


“Just live in the moment. We don’t know hanggang kailan lang ang mga bagay-bagay. Enjoy na lang at i-appreciate kung ano ang meron sa ngayon. Kung ‘di para sa ‘yo, eh ‘di move on lang palagi.”

Ganern?





INI-LAUNCH ng Kapuso actress na si Dianne Medina ang kanyang sariling agency, ang DM Studios.


Maka-Diyos talaga ang actress-turned live seller dahil kahit maraming sacrifices at challenges na dumating sa kanyang buhay ay hindi niya sukat-akalaing maitataguyod ang sarili niyang studio.


Aniya, “I never expected. But through God’s grace and the right people around me, we turned a vision into reality. Today, I proudly launch DM Studios—my live selling agency built to help brands grow and creators thrive.”


Ayon pa kay Dianne, umpisa pa lang ito bilang siya ang CEO ng DM Studios Agency.

Nag-umpisa raw siyang mag-online selling noong time ng pandemic, pero 2023 lang niya ito tinutukan nang mabuti.


Natutuwa naman siya dahil paunti-unti niyang nakikita na nagbu-boom ang kanyang business at naibahagi na niya ito sa kanyang mga kaibigan hanggang sa kumalat na sa iba’t ibang platforms.


Kaya naisipan niyang magtatag ng sariling agency sa tulong ng pinsan niyang former beauty queen na si Maxine Medina at ng kanyang mister na si Rodjun Cruz.


Natutuwa ang actress-host dahil marami na ring natutulungan ang kanyang agency.

Samantala, hindi maiwasang itanong kay Dianne kung nagagampanan pa ba niya ang tungkulin bilang ina sa kanyang mga anak.


Aniya, “Time management lang naman lahat at kinakaya naman. Kahit may show pa ako sa PTV 4, nagho-host pa rin sa ibang mga hanash at nand’yan pa rin ang acting, kaya sinisiguro ko na ang lahat ay nalalagay sa tama.”


Tungkol naman sa mister niyang si Rodjun, wala raw siyang masasabi dahil napaka-supportive nito. Hindi raw nila pinag-aawayan ang negosyong kanilang naipundar kahit nakikita ni Rodjun na hands-on siya sa DM Studios.


Wika pa ni Dianne, “Ang alam ko lang na pinagtatalunan namin ay tungkol sa pagkain, pero aside from that, wala nang iba pa.”


Gaano ba ka-proud si Rodjun sa misis?


Sey niya, “Super proud ako kay Dianne. Kahit busy ‘yan, may panahon pa rin s’ya sa aming family. Lahat ng magagandang katangian ay taglay n’ya, kaya napakasuwerte ko at s’ya ang naging asawa ko.”


Bongga!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page