Kaya oks lang out sa showbiz… ISABELLE, JACKPOT NA SA MISTER, SUWERTE PA SA NEGOSYONG ICE PLANT
- BULGAR
- Mar 16, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 16, 2023

Isa si Isabelle Daza na masasabing sinuwerte sa pagpili ng mapapangasawa.
Kaya kahit hindi na siya nag-aartista ay living in style pa rin siya dahil super rich ang kanyang mister na isang guwapong French businessman na si Adrien Semblat.
At dahil negosyante nga ang mister ni Isabelle, naengganyo na rin siyang pasukin ang pagnenegosyo rito sa 'Pinas.
Naging kaibigan ni Isabelle ang sikat na businessman na si Gerry “Mr. Freeze” Santos na host ng programang Negosyo Goals na mapapanood na sa ALLTV simula sa March 19, Sunday, 11:30 ng umaga.
Ito ay produced ng Makers Mind Media Production ni Ivy Ataya.
Layunin ng Negosyo Goals na tulungan ang mga taong nagnanais mag-umpisa ng maliit na negosyo upang makaahon sa kahirapan.
Samantala, si Isabelle Daza ay isa lang sa mga celebrities na naging kaibigan ng matagumpay na negosyanteng si Mr. Freeze, hanggang sa naging magkasosyo na nga sila sa negosyo.
Nag-invest si Isabel sa Mr. Freeze ice plant kung saan umabot na sa 10 ang franchise niya.

Good provider din naman ang kanyang mister na si Adrien na manager ng Adidas Philippines, kaya naman afford na afford ni Isabelle na mamahinga muna sa showbiz at maging full-time wife and mom.
Bukod kay Isabelle Daza, naging kaibigan din ni Gerry Santos sina Aga Muhlach, Albert Martinez at Derek Ramsay.
May ice plant business na raw sa Bulacan ngayon ang mag-asawang Derek at Ellen Adarna. Matatandaan na si Gerry Santos ay naging best man ni Derek sa kasal nila ni Ellen.





Comments