top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kaya oks lang na pa-vlog-vlog na lang… ALEX, YUMAYAMAN SA 'PANLOLOKO'

Writer: BULGAR
BULGAR
Sep 17, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | September 17, 2022



May mga nagtatanong kung may immediate plans ba si Alex Gonzaga para sa kanyang showbiz career o kuntento na lang siya ngayon sa pagho-host? Ayaw ba niyang mag-level-up ang kanyang pagiging artista at iwanan ang pagiging komedyana?


Nang magklik si Alex sa kanyang pagba-vlog ay malaki ang kanyang kinikita. Umabot na sa mahigit 10 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube Channel. Kaya kahit na wala siyang ibang TV shows bukod sa Tropang LOL ay okey lang sa kanya. Milyones ang kanyang kinikita sa YouTube.


Pero ang pinapansin ng ilang netizens, puro pranks lang ang pinaggagawa ni Alex sa kanyang vlogs sa YouTube. Pati nga ang kanyang parents ay nabibiktima sa mga pranks niya.


May ilang sectors naman na hindi nagugustuhan ang pranks ni Alex. Kailangan na raw na magseryoso ito tulad ng kanyang Ate Toni.


At her age, panahon na upang baguhin ni Alex ang kanyang imahe. Tutal naman ay may asawa na siya na isang inirerespetong konsehal ng Lipa, si Mikee Morada.


Alex can be funny at patuloy na luminya sa comedy kung 'yun ang gusto niya. Pero, dapat ay respetado pa rin siya ng lahat.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page