Search
  • BULGAR

Kaya never na raw makakabalik sa ABS-CBN…

MAJA, NAG-OBER DA BAKOD NA RAW SA TV5, NANGHATAK PA NG IBANG KAPAMILYA

ni Nitz Miralles - @Bida | March 4, 2021





Masaya ang mga subscribers ni Ogie Diaz sa kanyang vlog sa paghula sa blind item niya sa former Kapamilya stars na sina “M” at “B” na hindi na raw makababalik pa sa ABS-CBN. May humula kasing ang M ay si Maja Salvador o kaya ay si Matteo Guidicelli at si B ay either si Billy Crawford o kaya’y si Director Bobet Vidanes.


Pero, may clue si Ogie kay letter “M,” nag-imbita pa raw ito ng ibang Kapamilya star na sumama sa kanya sa TV5. Hindi tinukoy ni Ogie kung sino ang niyaya ni Maja at wala rin siyang clue.


Dagdag pa ni Ogie, nakarating sa top management na nag-imbita si M sa ibang Kapamilya stars na lumipat sa TV5 na mabuti at hindi sumama.


Samantala, nagte-taping na si Maja ng sitcom nila ni Empoy sa TV5. Ibig sabihin, wala na rin yata siyang balak bumalik pa sa ABS-CBN.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.