- BULGAR
Kaya never inalok… SARAH, 'DI KAILANGAN NG GMA-7
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 1, 2022

Bilang paglilinaw sa kumakalat na balitang inalok daw ng GMA Network ng malaking halaga ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, nagbigay ng pahayag ang isa sa mga top executives ng network na si Ms. Lilybeth Rasonable na wala silang ganoong offer sa aktres-singer at walang naganap na negosasyon.
Lumalabas kasing tinanggihan ni Sarah ang offer ng GMA-7 at mas piniling bumalik sa A.S.A.P. Natin 'To.
Kung tutuusin, marami nang artista ngayon sa GMA Network. Marami rin silang singers-performers sa All-Out Sundays kaya hindi na kailangan na kumuha pa ng isang Sarah Geronimo dahil patuloy namang tinatangkilik ng mga viewers ang AOS.
Hindi lang ang performance ng magagaling na singers-performers ang nagugustuhan sa AOS, naaaliw din ang mga viewers sa magagandang segments-skits ng show na may halong comedy.