ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 10, 2024
Haaay, naku! Ang dami nang nakikisawsaw ngayon sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque. Nagkani-kanyang kampihan na ang kampo nila.
Ang dami nang nauungkat na misteryo na labis na ikinagugulat ng mga netizens.
Kung dati ay si Bea Alonzo ang bina-bash nang husto, ngayon naman ay si Dominic Roque na ang sentro ng kontrobersiya.
Nagbagong-bigla ang impresyon sa kanya ng publiko. Ang dating disente at good boy image ni Dominic ay nabahiran ng kontrobersiya at kahit na siya raw ang humiling ng prenup agreement sa pamilya ni Bea, still, pinagdududahan pa rin ang kanyang motibo at tunay na intensiyon sa aktres, lalo na’t may lumutang na chika na si Bea pala ang gumagastos sa bawat bakasyon nila abroad.
At based sa isang statement ni Bea recently, sinabi niyang minsan, ang maliliit na pagkukulang ay naiipon at lumalaki, hanggang sa dumating sa saturation point at ang realization na hindi ganoon ang pinapangarap niyang relasyon. Kaya, back-out muna siya para makapag-isip-isip.
Biro tuloy ng ilang kaibigan niya sa showbiz, siguro, dahil sa ine-endorse ni Bea na isang optical store ay luminaw ang kanyang paningin at nakita niya ang tunay na katauhan ni Dominic Roque.
Comments