Kaya nagpakasal din kay Ellen… DEREK, LODI ANG PARENTS NA 50 YRS. NANG KASAL
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 6, 2022

Nakakatuwa ang celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Mahilig mag-prank ang mag-asawa sa isa't isa na isine-share nila sa kanilang social media account.
Whirlwind romance ang nangyari kina Derek at Ellen at marami ang bumabatikos sa kanila nu'ng una na hanggang tikiman lang daw ang mangyayari dahil pareho silang not marrying type, lalo na sa parte ng aktor.
Pero, pinatunayan ni Derek na si Ellen na talaga ang kanyang "the one" kaya pinakasalan niya ito last year.
May anak si Ellen kay John Lloyd Cruz, si Elias Modesto, habang si Derek, may anak ding lalaki sa una niyang non-showbiz partner na teen-ager na ngayon.
Sey nga ni Derek, “That’s the word. It’s really peaceful.”
Na-prove nila sa kanilang mga detractors na mali ang mga sinasabi ng mga ito.
“We’re not doing all of this to prove them wrong. We’re just living our life. That’s where the focus is and (I think) that’s why it’s working. Sometimes, we get distracted by focusing on the wrong things, you know? Everyone has something to say. And especially with a career that I’ve had… if I paid attention to all of that, then I wouldn’t be where I am now."
Ayon pa sa aktor, hindi totoong 'di siya naniniwala sa kasal.
“I’ve always had respect for the word ‘marriage.’"
Happily married daw ang kanyang mga magulang for 50 years.
"I want that and I know I have that now with Ellen,” sambit pa niya.





Comments