Kaya nagkasundo... KATHRYN AT ECHO, PAREHO NG STYLE SA PAGMU-MOVE ON SA HIWALAYAN
- BULGAR
- Feb 2, 2024
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | February 2, 2024

Dahil nag-viral nga ang night-jog photos nina Kathryn Bernardo at Jericho Rosales with John Manalo at mga nakasabay nilang joggers, kung anu-ano na naman ang lumabas sa media.
May mga kinilig, gustong kiligin at iba pang biglang nag-ilusyon ng something sa dalawa.
Hay, pero sa simpleng deskripsiyon ni John, pamangkin ni Echo at kasabayan ni Kath sa Goin' Bulilit, "It was just a simple meeting of friends na gustong maging fit and healthy thru jogging."
Then, sumegue nga sa mental health at pagkakaroon ng inner peace, pag-release ng toxins, etc. dahil naging paraan pala ni Echo ang constant exercising during the time na may pinagdaanan din ito.
Bukod sa kanilang subdivision, sa Marikina Sports Complex at minsan ay sa UP Diliman umano nagpapagpag, nagpapapawis at nagko-commune with nature si Echo, na tila ginagawa rin ngayon ni Kath para raw mas madali at healthy ang sistema niya kumpara umano sa ibang may pinagdaanan na kain, tulog at inom ang ginagawa.
Ay, the who sila?




Comments