top of page
Search
  • BULGAR

Kaya naging Calendar Girl… HEAVEN, SUPER-DAMING FOLLOWERS SA SOCMED

ni Julie Bonifacio @Winner | December 5, 2023




Masayang ipinagdiwang ni Heaven Peralejo ang kanyang 24th birthday last November 25. Ipinost ni Heaven ang mga larawang kuha sa kanyang birthday bash na dinaluhan ng kanyang pamilya, mga kaibigan at siyempre pa, ng boyfriend niyang si Marco Gallo.


Caption ni Heaven sa IG post niya, “Being surrounded by this much love, laughs, and joy is the only birthday wish I could ever ask for. Thank you @barangayginebra for the overflowing drinks, it was the star of the night! And thanks to @greyhoundcafe.ph for the absolute vibes!”

As you can see sa kanyang caption, pinasalamatan ni Heaven ang Ginebra San Miguel na “nagpaulan” ng mga inuman sa kanyang birthday celebration.


Si Heaven kasi ang bagong Calendar Girl ng Ginebra San Miguel for 2024 at nagkaroon ng bonggang launching si Heaven sa isang hotel sa Mandaluyong last November 30.


Nagustuhan namin ang ginawang presentasyon ng Ginebra San Miguel for Heaven.


Kitang-kita na pinag-isipan at kakaiba mula sa title/theme, concept ng calendar at ng show. Hindi ‘yung basta nagtayo lang ng stage at rumampa na si Heaven.


Pati ang costumes niya sa launching at swimwear na suot niya sa calendar ay kaakit-akit.


Pasok na pasok sa banga ang beauty at alindog ni Heaven bilang 2024 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel.


Si Heaven Peralejo ay nakakuha ng makabuluhang tagasunod sa industriya ng entertainment. Kaya naniniwala ang brand na ang pagpili kay Heaven as Ginebra San Miguel newest calendar girl ay nagpapatunay na sumisikat na ang kanyang bituin na may kapangyarihan at impluwensiya sa mga nakababatang henerasyon.


Ang Ginebra San Miguel calendar na nagpapakita ng iba’t ibang mga produkto ng tatak, ay naging isang inaabangan na taunang


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page