Kaya love na love sa lahat ng naging GF… HIRIT NI GERALD: JULIA, ‘DI INSECURE
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 3, 2023

Ayon kay Gerald Anderson, hindi niya man lang namalayan na tatlong taon na ang kanilang relasyon ni Julia Barretto dahil napakagaan daw nitong tumakbo.
“In 3 years na ‘yun, (ang) saya, magaan,” aniya sa kanyang panayam kay Isko Moreno sa Iskovery Night vlog.
“Nagulat nga ako, eh. Ha? It’s been. . . that long na? Ah, so. . . I think, that’s. . . du’n mo talaga malalaman na parang masaya ka talaga kasi hindi mo na binibilang, eh. Hindi mo nararamdaman.
So, yeah, happy,” dagdag ni Gerald.
Tinanong siya ni Isko kung ano ang best quality ni Julia na pinakanagustuhan niya at ayon kay Gerald ay ang pagiging secured nito sa sarili.
“Alam mo, ang pinakamaganda sa kanya, sobrang secured niya sa pagkatao niya na yeah, maganda siya, pero hindi mo maramdaman na. . . alam mo ‘yun? Napakasimple,” he said.
Dagdag pang papuri ng aktor sa girlfriend, magaan daw itong kasama at sinusuportahan ang kanyang mga kalokohan at hindi raw siya sinusumbatan.
“Like you know, magpa-practice ako ng basketball 4 hours a day, ‘di ba? Or mag-aano muna ‘ko ng negosyo nang ilang oras isang araw, ‘di ba? O nu’ng pandemic, ang dami kong trabahong tinanggap, pero supportive, hindi nanunumbat. Walang ganu’n, eh,” pagmamalaki pa ni Gerald kay Julia.
Hindi rin daw nagde-demand ang GF at siya na mismo ang makaka-realize na dapat siyang bumawi.
“Pero hindi mo mararamdaman na parang obligasyon siya,” aniya.
Ayon pa sa aktor, alam niya na si Julia na talaga ang para sa kanya na hindi raw niya ma-explain kung bakit.
“Nagkaroon din tayo ng mga relationships, lahat naman tayo, ‘di ba? And hindi sa. . . never compare but it’s just, alam mo lang. It’s an unexplainable feeling,” dagdag pa ni Ge.
Bagama’t hindi pa masagot ng aktor kung kailan siya magpo-propose, pero ang sinigurado lang niya, kung mayroon siyang 5-year plan, kasama na raw dito ang proposal or ang marriage.





Comments