Kaya lihim ang panganganak… BABY NINA JESSY AT LUIS, BAWAL BISITAHIN
- BULGAR
- Jan 7, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 7, 2023

Hindi na dapat pagtakhan kung bakit lihim na lihim ang panganganak ni Jessy Mendiola sa Medical City noong Dec. 29, 2022, ayon na rin sa source ni Kabsat Cristy Fermin.
Ayon pa sa impormasyong nakarating kay CSF, lumabas daw ng ospital si Jessy noong New Year's Day (Jan. 1, 2023).
Wala pang post sina Jessy at Luis tungkol sa kanilang anak na si Baby Peanut. Pero may naging pahayag ang mag-asawa na hindi pa puwedeng may bumisitang sinuman sa kanilang anak except sa kanilang immediate family.
Nag-iingat lang sina Jessy at Luis para sa safety ng kanilang anak, lalo na't may bagong COVID variant na nakapasok na sa 'Pinas.
For sure, matatagalan pa bago masilayan ng publiko ang hitsura ni Baby Peanut, tulad din ni Baby Dylan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na hindi agad ipinasilip sa publiko.
Pero pasasaan ba at ise-share rin nina Jessy at Luis sa kanilang mga tagahanga ang picture ni Baby Peanut.
For now, "no visitors allowed” pa ang pinaiiral nina Jessy at Luis para sa anak nilang si Peanut. And for sure, mauunawaan naman ito ng kanilang mga fans and supporters.





Comments