top of page
Search
  • BULGAR

Kaya lantaran na in public… BF NI RHIAN, HIWALAY NA SA DATING KA-LIVE-IN

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 9, 2022




Nakakatuwang malaman na may mga negosyante na namang sumusugal ngayon para mabuhay ang showbiz industry.


May kasabihan nga: "There's always a rainbow after the rain" kaya pagkatapos ng pandemya, heto't unti-unti na namang sumisigla ang entertainment world at dumadami na uli ang nagbibigay ng trabaho sa mga artista.


Sa paglo-launch kahapon ng AQ Prime na bagong streaming app, hatid nito sa mga viewers ang mas accessible at mas affordable na paraan para makapanood pa rin ng mga de-kalidad at bagong pelikula na likha ng magagaling na direktor.


Kaya may punto ang byuting lawyer na si Atty. Honey Quino na isa sa mga executives ng AQ Prime katuwang ni Atty. Aldwin Alegre sa sinabing imbes isipin na pinapatay ng online streaming platform ang mga sinehan, dapat pa nga raw ikatuwa dahil mas nadagdagan ang oportunidad ngayon hindi lang ng mga sikat nang artista kundi maging ng mga baguhan para magkaroon ng trabaho at makagawa ng mga pelikulang kikilalanin hindi lang dito sa atin kundi maging sa ibang bansa.


At sa pagsisimula ng AQ Prime, sa halagang P100 subscription for the first month (piso na lang sa susunod na buwan at libre sa 3rd month bilang promo nila), makakapanood na ang mga online viewers ng mga bagong pelikula tulad ng Adonis X at La Traidora ni Alejandro "Bong" Ramos, Bingwit ni Neil "Buboy" Tan, at Huling Lamay ni Joven Tan.


Bukod sa mga pelikulang 'yan, may iba pang pakulo ang AQ Prime, ayon na rin sa Creative head na si RS Francisco ng Frontrow na isa sa mga tumutulong sa bagong streaming app para makahatak ng mga subscribers.


Ayon kay RS na bukod sa pagiging isa sa may-ari ng Frontrow ay minsan ding naging direktor ng pelikula, bagama't tumutulong siya ngayon sa AQ Prime, hindi naman daw niya iiwan si Willie Revillame sa pagbuo nito ng mga shows para sa AMBS Network.


In fact, nag-iisip nga raw si RS ng mga proyektong puwedeng maging collaboration nila para sa AQ Prime at sa AMBS Network.


Nu'ng Thanksgiving Gala Night ng GMA-7 ay nakita si RS Francisco na kasamang dumating nina Rhian Ramos at ng boyfriend ng aktres na si Sam Verzosa.


Business partners sa Frontrow sina RS at Sam. At habang kausap namin kahapon ang una after the launch ng AQ Prime, nagbiro si RS at nilinaw ang mga haka-hakang may relasyon sila ng BF ni Rhian dahil sobrang close sila.


Aniya, bagama't magkakasama silang tatlo at magkakasabay na dumating sa Gala Night, third wheel lang daw siya at nang makitang magka-holding hands nang naglakad ang dalawa sa red carpet ay humiwalay na siya.


Inamin din sa amin ni RS na matagal na niyang alam ang tungkol sa relasyon nina Rhian at Sam, pero bilang respeto sa dalawa, hinayaan niyang ang mga ito ang maglantad sa kanilang relasyon na naganap nga nu'ng GMA-7 Thanksgiving Gala.


At dahil sa sinabi ni RS tungkol sa relasyon nina Rhian at Sam, diretso na naming itinanong sa kanya kung true ang mga bulung-bulungan na may dating ka-live-in ang kanyang business partner na si Sam.


Kinumpirma naman ito ni RS Francisco, true nga raw na may dating ka-live-in si Sam pero maayos naman daw na naghiwalay ang dalawa bago pumasok sa eksena si Rhian.


Kaya, hindi totoong inagaw ng aktres si Sam o iniwan ng negosyante ang ka-live-in para sa Kapuso actress.


Samantala, isa pang kinumusta namin kay RS ay ang kanyang BFF na si Gretchen Barretto. Marami na kasi ang nakaka-miss kay La Greta na mukhang nananahimik ngayon at walang mga updates tungkol sa kanyang buhay.


Tiniyak naman ni RS na in good health si Gretchen at walang dapat ipag-alala ang mga nagmamalasakit dito dahil ang totoo, matagal na raw gustong mag-retire ni Gretchen sa showbiz at gusto na ng tahimik na buhay.


Ini-invite nga raw niya si Gretchen na dumalo sa kanyang birthday party sa Okada pero nag-beg-off daw ang aktres at sinabing si RS na lang ang pumunta sa bahay nila ni Mr. Tony Boy Cojuangco.


Kaya sabi ni RS, ngayon ay naniniwala na raw siya na gusto na talaga ng tahimik na buhay ni Gretchen at ayaw na nito ng nakikihalubilo sa maraming tao.


Samantala, maaari nang i-download sa Google Play at App Store ang AQ Prime app para makapanood ng iba't ibang pelikula, programa at pagtatanghal.


Sa pelikulang ADONIS X na mula sa direksiyon ni Alejandro "Bong" Ramos, magpapainit sina Kristof Garcia, Kurt Kendrick, Mark McMahon, Grace Vargas, Jaycee Domincel at Mia Aquino.


Sa pelikulang Bingwit naman ni Neil "Buboy" Tan, kilalanin si Salem, isang ambisyosa at makamundong babae na ginagamit ang alindog at ganda para matupad ang mga pangarap sa buhay.


Tampok dito sina Krista Miller, Drei Arias, Conan King, Rob Sy at Boogie Canare.


Sa Huling Lamay ni Joven Tan, ang magpinsang sina Ben at Lucas ay dumalaw sa kanilang namayapang lola bilang pagsunod sa nakaugalian at pagpapakita ng respeto sa pagkamatay nito.


Ang mga susunod na mangyayari sa lamay, na may dalang takot at hilakbot, ang susubok sa tapang, tiwala at pananampalataya ng dalawa.


Ang mga sisikilin sa sindak at hiwaga sa Huling Lamay ay sina Marlo Mortel, Buboy Villar, Lou Veloso, Mira Aquino, Waki Cacho at Aldwin Alegre.


Pangalawang handog mula kay Alejandro "Bong" Ramos ang La Traidora na pinagbibidahan nina Brylle Mondejar, Joni McNab, OJ Arci, Ricardo Cepeda, Mia Aquino, Juan Calma at Aldwin Alegre.


Ang Adonis X, Bingwit, Huling Lamay at La Traidora ang unang apat na natatanging pelikula mula sa AQ Prime na nagsimula nang ipalabas nu'ng Agosto 8.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page