top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Idinispley lahat ng trophies… VICE: TUWING NABA-BASH AKO, NAGKAKA-AWARD AKO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 24, 2026



TALKIES - VICE TUWING NABA-BASH AKO, NAGKAKA-AWARD AKO-FB Vice Ganda

Photo: FB Vice Ganda



Buong-pagmamalaking ipinakita ng Unkabogable Star at It’s Showtime (IS) host na si Vice Ganda ang koleksiyon ng kanyang mga tropeo sa kanyang latest vlog.


Aminado ang TV host-comedian na wala siyang nakikitang masama sa pagdi-display ng kanyang mga natanggap na parangal dahil bunga umano ang mga ito ng kanyang pagsisikap at dedikasyon sa trabaho.


“Nakita ninyo ‘yung background ko? Puro trophy ko. Mayabang din ako talaga. Oo, ipinagmamayabang ko talaga ‘yan kasi produkto ‘yan ng pagsusumikap ko, ng pagtatrabaho ko nang lubos, at ‘di pagsuko sa hamon ng aking karera,” ani Vice.


Ayon pa sa kanya, ang bawat tropeo ay nagsisilbing paalala na naging sulit ang lahat ng hirap, sakripisyo, at pambabatikos na kanyang hinarap sa industriya.


“Sa dami ng pinagdaanan ko sa showbiz industry, ito ang nagpapaalala sa akin na it’s all worth it. ‘Yan ang nagpapa-smile sa akin at nagpapalakas ng loob ko sa gitna ng napakaraming bashing na inabot ko,” aniya.


Ikinuwento rin ni Vice ang napansin niyang tila kakaibang ‘pattern’ sa kanyang career.

Aniya, “Napapansin n’yo ba? Napapansin n’yo ba ‘yung pattern? Tuwing maba-bash ako, after a few days, may award ako. Kaya minsan, sinasabi ko, ‘Ayoko muna ng award this week.’ Ganu’n talaga ang pattern. Tuwing may nang-ookray sa akin, magkaka-award ako. ‘Yan ang ipinagmamalaki ko,” habang itinuturo ang mga tropeo.


Ibinahagi rin ng komedyante na matagal nang ugali ng kanyang ina ang ipagmalaki ang kanyang mga tagumpay. Mula pa umano noong nag-aaral siya ay naka-display na sa kanilang bahay ang kanyang mga medalya, sertipiko, at iba pang parangal.


Ayon kay Vice, bilang breadwinner ng kanilang pamilya, walang katumbas ang pakiramdam na makita at maramdaman ang buong suporta at pagmamalaki ng kanyang mga mahal sa buhay.


Aniya, “Masarap sa puso na maramdaman mo na ‘yung mga taong dahilan ng pagsusumikap mo at pagtatrabaho mo nang husto, ng pagkakaroon mo ng pangarap, eh talagang sumusuporta sa ‘yo.”

Korek ka riyan, Vice!


Matatandaang nasungkit ni Vice Ganda ang ilang prestihiyosong parangal ngayong 2026. Kinilala siya bilang Best Host for Entertainment, habang itinanghal naman ang IS bilang Best Variety Show sa inaugural ng FAMAS Broadcast Awards.


Bago ito, noong Hunyo, nagwagi rin ang kanyang kantang Rainbow Christmas bilang Christmas Song of the Year sa 17th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Music.





SANA all, may gobernador na tulad ni Star for All Seasons-Gov. Vilma Santos-Recto!


Hindi lang sa pelikula at telebisyon bida si Gov. Vi—pati sa serbisyo publiko, patok din ang kanyang istilo.


Habang sa ibang lugar ay kailangan pang bumiyahe o maglakad nang malayo ang mga residente para makahingi ng tulong sa kanilang mayor o gobernador, sa Batangas ay ang pamahalaang panlalawigan na mismo ang lumalapit sa mga mamamayan.


Sa pamamagitan ng kanyang H.E.A.R.T.S. Program, na sumasaklaw sa Health, Education, Environment, Economic Development, Agriculture, Arts, Roads and Infrastructure, Rehabilitation, Tourism, Technology, at Social Services, isa sa mga tampok na inisyatiba ang Capitol on Wheels, isang programang nagdadala ng mga serbisyo ng pamahalaang panlalawigan sa 29 na munisipalidad at limang component city ng Batangas, na nahahati sa anim na distrito.


Ayon kay Gov. Vi, layunin ng programa na mailapit ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mas maraming Batangueño.


“Kami na talaga ang lumalapit sa mga bayan-bayan, mga distritong dati ay hindi namin nararating. At ang maganda r’yan,  lahat ng mga LGUs at mga katuwang naming opisyal ay talagang supportive at nakikiisa sa pagdadala namin ng mga serbisyo,” ani Gov. Vilma Santos-Recto.


Congratulations, mga Batangueño! Mayroon kayong gobernador na kung magtrabaho ay talagang may puso at malasakit sa kapwa.

‘Yun lang, and I thank you.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page