top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kaya laglag sa pagka-Best Actor… COCO, PANG-TV LANG, WA' DATING SA PELIKULA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 17, 2023
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | April 17, 2023




Malaking isyu para sa mga fans ni Coco Martin kung bakit hindi siya na-nominate bilang Best Actor sa katatapos na 1st Summer MMFF 2023.


Hirit ng mga fans ay major role naman ang ginampanan ng aktor sa pelikulang Apag na idinirek ni Brilliante Mendoza.


Well, ang tanong, nakulangan ba ang mga jurors sa akting ni Coco kaya inisnab siya at hindi napasama sa listahan ng mga nominado para sa Best Actor sa 1st Summer MMFF?


Sey naman ng ilang movie critics, parang kinapos at hindi lumutang si Coco sa pelikula, kung kaya't hindi niya naibigay ang hinihingi ng kanyang karakter sa Apag.


Hindi rin tuluy-tuloy ang naging exposure niya sa nasabing pelikula.


Pansin naman ng ilang netizens, mas pinagtutuunan na ni Coco ng panahon ang pag-arte niya sa telebisyon at hindi na ang pagiging aktor sa pelikula.


May mga ganitong artista ngayon na mas lumulutang sa telebisyon, pero kinakapos sa pag-arte sa pelikula. At 'yun ang dapat na alamin ni Coco, kung saan ba niya gustong mag-excel — sa pagiging TV actor o sa pagiging action star sa pelikula?


Mukhang mas prayoridad na ngayon ni Coco ang kanyang TV project dahil mas malawak ang viewership nito at mas nagtatagal.


Tulad na lang ng Ang Probinsyano na tumagal ng pitong taon sa ere. Ngayon, ang TV version naman ng Batang Quiapo ang kanyang tinututukan dahil malakas ang impact nito sa mga viewers.


Speaking of Batang Quiapo, marami pa ring jobless na artista ang nananawagan kay Coco upang sila ay maging bahagi ng bago niyang serye, tulad ng ginawa niya noon sa Ang Probinsyano.


Naging malaking tulong ang exposure nila sa Ang Probinsyano, sapagkat nabuhay muli ang kanilang career.


Si Kristel Romero ay isa sa mga artistang umaasang mapasama at makapag-guest sa Batang Quiapo.


Matatandaang naging leading lady na rin ang aktres ng ilang action stars noon.


Nakapareha siya ni Bong Revilla, Jr. sa pelikulang Isusumpa Mo Ang Araw na Isinilang Ka. Samantala, si Lito Lapid naman ang naging kapareha niya sa Dugo ng Pistolero.


Hopefully ay makarating kay Coco Martin ang panawagang ito ni Kristel dahil gusto niyang muling makabalik sa showbiz industry.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page