Kaya laging puyat… MIKAEL, PRANING SA UNANG ANAK NILA NI MEGAN
- BULGAR

- Jul 18
- 4 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 18, 2025
Photo: Mikael Daez at Megan Young - IG
Good vibes ang hatid ng social media post ng Kapuso actor na si Mikael Daez sa video clip na ibinahagi niya bilang first-time daddy, kasama ang asawang aktres na si Megan Young, at ang nag-iisa nilang anak na si Leon.
Siguradong makaka-relate ang mga first-time parents sa ibinahagi nitong video na nagpapakita ng dahilan kung bakit kulang sa tulog ang mommy at daddy dahil sa oras-oras na pag-check kung humihinga pa ang sanggol.
Saad ni Mikael sa kanyang post, “For first time parents, I’m sure some of you can relate! Actually, this also might be a major reason why we would lack sleep.
“Even when the baby is sleeping so well, it’s hard to shake the feeling that something might happen or that we overlooked something.
“It gets better with time but for now, praning parents on the loose muna kami (nervous face, fingers crossed and heart on fire emoji).”
Marami namang mga netizens ang umamin at nagsabing, “Yes po, relate na relate.”
Meron ding nakapansin na kamukha ni Megan ang anak nila.
Saad pa ng netizen, “Ang lakas ng dugo ng mommy... kamukha ni Megan. Hehehe! Okey lang ‘yan, Paps, apelyido mo naman.”
Oh, mga bagets, paalala lang, appreciate your parents. You never know what sacrifice they went through for you.
Boom, ganern!
BONGGANG-BONGGA ang pagbabalik ng aktres na si Dina Bonnevie sa bago nitong online show sa YouTube (YT) channel na may titulong House of D (HOD). Kasama niya sina Oyo Sotto, Danica Sotto Pingris, Kristine Hermosa Sotto, at Marc Pingris.
Masaya ang naging kuwentuhan na may kasamang konting iyakan ang unang episode ng HOD.
Sa nasabing show, kinumusta ni Dina ang anak na si Oyo.
Sinagot naman ni Oyo, “‘Yan, ito anim na ang anak, pagod. Hahaha!”
Sey naman ni Kristine, “Pero masaya.”
Sey ulit ni Oyo, “Nakakapagod, hindi naman madaling magpalaki ng anim na bata.”
Tinanong ulit ni Dina si Oyo ng “How important is family to you right now?”
Sey ni Oyo, “S’yempre naman, well, I’m sure kayo, ganu’n din. God first, family pangalawa.
“Family is very important kasi alam mo ‘yung kahit bali-baligtarin mo ang mundo, ‘yang pamilya mo, nand’yan ‘yan, ‘di ba?
“May mga nangyayari minsan na nag-aaway-away ang pamilya pero at the end of the day, o ‘pag matatapos na ‘yung buhay mo, pamilya mo lang din ‘yung nandu’n, eh, para sa ‘yo.
“So ‘yun ‘yung design ng Panginoon, eh, ‘di ba, na pamilya tayo. Lahat, mga kaibigan nga natin kino-consider natin na pamilya, minsan kahit bagong kilala mo, parang close na kayo agad, ‘di ba, family.”
Kuwento pa ni Dina, “Ako, in my personal experience, I went through hell and back but at the end of the day, kahit na ano’ng depression ang pagdaanan ko, kahit na anong negativity ang daanan ko, I’m just so thankful to God for giving me my family.”
Tinanong din ni Dina ang basketball player at asawa ng kanyang only daughter na si Mark Pingris.
Tanong ni Dina kay Mark, “‘Yung daddy mo, nasa France, ‘yung mommy mo, nasa Pangasinan. How can you feel a sense of family with them?”
Sey ni Mark, “Nakilala ko ‘yung father ko nu’ng 26 years old na ako, so for me, mahirap ‘yun.”
Kuwento pa ni Dina, “‘Di ba nu’ng tinanong kita kung bakit gusto mong hanapin ang daddy mo, na all these years, hindi ka naman pinansin because you said you wanted to know where you came from, ‘di ba?”
Sey ni Mark, “Kasi kulang ‘yung ano, ibang kailangan. Kulang kasi ‘yung pagkatao ko. Every Father’s Day, parang may hinahanap ako, Ma (Dina).
“Tapos parang ‘yun nga, kulang and na-appreciate ko si Danica, ‘yung ginawa n’yang hinanap n’ya si daddy ko.
“And then, doon nabuo ang pagkatao ko nu’ng nakilala ko ‘yung daddy ko.”
Sey naman ni Danica, “Sensitive talaga si Mark ‘pag pinag-uusapan mga daddy, pati lalo na mommy.”
Sey ulit ni Mark, “I’m so blessed na nand’yan talaga ‘yung mother ko na naging tatay, naging nanay s’ya sa aming tatlong anak n’ya na kahit anong hirap talaga ng buhay namin dati, talagang hindi n’ya kami pinabayaan, Ma (Dina), talagang pinapakain n’ya kami nang tatlong beses sa isang araw.
“So ‘yun, mahirap man pero talagang sobrang ano ko sa mga anak ko ngayon, sobrang nai-spoil ko sila dati kasi ‘yung mga hindi ko napagdaanan or hindi nangyari sa buhay ko talagang ibinigay ko. Even though na kahit minsan, eh, may mali, go pa rin ako. ‘Pag sinabi ni Danica dati na tama na ‘yan, hindi ‘no, okey lang ‘yan, masaya ako, eh, nakikita ko ‘yung anak ko, masaya. So okey na ko doon. So ‘yun din pagkakamali ko, minsan na kailangan, balance talaga. Sobrang balance talaga na hindi mo puwedeng kung ano ang napagdaanan mo dati, kailangan kumbaga pagdaanan nila or maramdaman nila.
“Kailangan balance talaga. Ang ibig kong sabihin is like ‘yung hindi mo sila ma-spoil nang mabuti dahil mahihirapan ka paglaki nila.”
Napakasuwerte ni Danica sa asawa niyang si Mark Pingris, mapagmahal sa mga magulang kaya for sure, mahal na mahal din ni Mark ang asawa’t mga anak niya, ‘di ba naman, Danica?
Samantala, sina Oyo at Kristine, may 6 na anak pero kung titingnan sila, mukha pa rin silang binata at dalaga. Korek si Miss D. sa pagsabing diyosa ang daughter-in-law niya na si Kristine Hermosa. At si Oyo, halata sa mga ngiti niya na masaya siya kasama ang mga anak at si Kristine.










Comments