SEXBOMB, GAME MAKIPAG-COLLAB SA BINI
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 13, 2026

Photo: File / IG Sexbomb at BINI
Maraming fans ni Jopay Paguia ang nag-panic at labis na nag-alala nang makita ang post sa social media na nasa ER siya ng isang ospital.
Nagkaroon ng freak accident nang pumasok siya sa isang CR kung saan nabagsakan siya ng tiles sa ulo at likod.
Nawalan umano siya ng malay at nagtamo ng mga injuries. Namaga ang kanyang left eye at na-sprain ang kanyang left arm. Nagkaroon din siya ng injury sa iba pang bahagi ng katawan.
Agad siyang sumailalim sa CT scan at MRI at hinihintay na lamang ang resulta ng kanyang mga check-up.
Pinayuhan din si Jopay ng doktor na magpahinga muna sa ospital. Sobrang na-touched siya sa pagbuhos ng mga mensahe at dasal para sa kanyang paggaling.
Overwhelmed din si Jopay sa balitang sold-out agad ang round 5 ng kanilang pre-Valentine concert sa February 7 na gaganapin muli sa SM Mall of Asia (MOA). Kaya nangako siya na magpapagaling agad upang makasama ang mga Sexbomb fanatics na nag-effort pumila para makabili ng tickets.
Samantala, open naman ang Sexbomb Girls sa posibilidad na magkaroon ng collaboration sa BINI. Malaking karangalan umano para sa kanila na makasama sa concert ang sikat na Pop girl group na BINI. Tiyak na magiging umaatikabong dance showdown ito at mas bagay umano kung gagawin sa Philippine Arena.
MARAMI ang nagtataka kung bakit bigla na lamang lumutang ang paninira sa pagkatao ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado.
May mga lihim kayang naiinggit sa kanya dahil happily married siya kay Dennis Trillo at maganda ang takbo ng kanyang career?
Pilit umanong pinalalabas na masama ang ugali ni Jen kaya hindi raw siya makasundo ng pamilya ni Dennis. May paratang pa na apat na taon na raw siyang hindi dumadalaw sa kanyang mga in-laws at hindi raw siya nag-e-effort na mapalapit sa mga magulang ng kanyang mister.
Agad namang dinepensahan ni Dennis ang kanyang pretty wifey at nilinaw na wala raw problema ang relasyon ni Jen sa kanyang pamilya.
Nakiusap din ang aktor sa mga bashers na tigilan na ang paninira sa kanila. Maging ang kanilang manager na si Becky Aguila ay ipinagtanggol din si Jen laban sa mga maling akusasyon.
Simula nang sumikat si Jennylyn Mercado ay hindi siya nakitaan ng maangas na ugali o attitude. Hindi rin siya feeling big star at marunong siyang makisama sa kanyang mga co-stars.
Tiyak din na hindi papayag si Dennis Trillo na balewalain ng aktres ang kanyang mga magulang. May mga naiinggit lang talaga na gustong manira.
WALANG inggit na nararamdaman ang Kapuso star na si Althea Ablan kahit mabilis na sumikat sina Jillian Ward at Sofia Pablo.
Magkakasama silang tatlo na nagbida noon sa top-rated afternoon soap na Prima Donnas (PD) na umere mula 2019 hanggang 2022.
Wala rin sa isip ni Althea na mahigpit niyang kakumpitensiya sina Jillian at Sofia. Alam niyang hindi siya pababayaan ng GMA Network at bibigyan siya ng mga proyektong babagay sa kanya.
Sa mga drama series nais luminya ni Althea. Magkakaibigan sina Althea, Jillian, at Sofia at wish niya na makatrabaho muli ang dalawa.
Open din ang aktres sa status ng kanyang love life. Karelasyon niya ang Kapuso actor na si Prince Clemente. Una silang nagkatrabaho sa My Fantastic Pag-ibig (MFP) ng GMA-7 noong 16 years old pa lamang si Althea.
Nang tumungtong siya sa edad na 18, saka naging seryoso si Prince sa panliligaw at nagpaalam pa ito sa mga magulang ni Althea.
Pitong taon ang tanda ng aktor kay Althea Ablan, pero swak sila sa maraming bagay kaya hindi naging hadlang ang kanilang age gap.








Comments