Kaya labs na labs ng mga katrabaho… NORA, PURDOY NA, NAMUMUDMOD PA NG DATUNG
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 26, 2022

Labis na nag-aalala ang mga Noranians para sa kalusugan ng Superstar at National Artist na si Nora Aunor, lalo na't wala pang sinasabi ang kanyang immediate family kung ano talaga ang sakit ng kanilang idolo. Kaya abu't abot ang kanilang dasal upang gumaling na si Aunor sa kanyang karamdaman.
Nami-miss ng mga Noranians ang premyadong aktres na nakasama nila sa ilang pagkakataon. Kahit na nu'ng kasagsagan ng COVID pandemic ay gumawa ng paraan si Guy upang makatulong at makapagbigay ng ayuda sa mga nangangailangan.
Kahit na sinasabi ng iba na purdoy na si Nora Aunor at hindi kasingyaman nina Sharon Cuneta at Vilma Santos, still nakakapag-share siya sa abot ng kanyang makakaya. Hindi na niya isinasapubliko ang kanyang pagtulong.
Noon pa man, kapag may pelikula si Aunor, ang kanyang talent fee ay isine-share niya sa mga talents na kasama niya sa movie. Halos wala nang natitira sa kanya kaya naman mahal na mahal si Guy ng mga maliliit na manggagawa sa movie industry.





Comments