top of page

Kaya ipina-secret sa ex-GF… ENRIQUE, TAKOT MAWALAN NG CAREER NANG MAG-BREAK SILA NI LIZA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 22 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 23, 2025



Enrique Gil - FB circulated

Photo: Enrique Gil - FB circulated


Maraming fans ng LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) love team ang nag-react sa ibinunyag ng aktres na si Liza Soberano na three years na pala silang hiwalay ni Enrique Gil, pero inilihim nila sa publiko. 


Ang aktor daw mismo ang nakiusap sa aktres na huwag munang aminin na break na sila. Nag-aalala raw ito sa magiging epekto nito sa kanyang career.


Kahit tinalikuran na ni Liza ang kanyang showbiz career sa ‘Pinas, umaasa pa rin si Enrique na makaka-survive siya kahit wala na ang ka-love team at hindi na sila magkakasama sa anumang project. Buong akala niya ay babalik sa ‘Pinas si Liza at muli silang gagawa ng pelikula.


Samantala, buo rin ang paniniwala ni Liza na mauuwi sa pagpapakasal ang relasyon nila, pero hindi nangyari ang kanyang inaasahan. Hindi pa rin pala handa si Enrique na mag-settle down dahil marami pa siyang personal issues na dapat ayusin. 

Tulad ng aktor, magulo rin ang mundo ni Liza Soberano.


Dismayado naman kay Enrique ang mga tagahanga nila ni Liza. Nakasandal lang pala ang aktor sa kanya para umangat ang kanyang career. Ayaw ni Enrique na mabunyag na hiwalay na sila ni Liza at buwag na ang LizQuen love team. 


Pero desidido na si Liza Soberano na makilala bilang solo artist at maka-penetrate sa Hollywood.



MULING pinapirma ng kontrata ng GMA Network ang comedy genius na si Michael V..


Para sa mga big bosses ng GMA-7, si Michael V. a.k.a. Bitoy ang masasabing pinaka-loyal na Kapuso artist. Tatlong dekada (30 years) na siyang bahagi ng network at nakikita naman ang sipag at dedikasyon sa mga projects na ipinagkatiwala sa kanya.


Sa darating na Oktubre ay 30 years na sa ere ang gag show na Bubble Gang (BG). Isa itong espesyal na event kaya inihahanda na ni Michael V. at ng buong BG team ang Bubble Gang Concert. Ito ay bilang handog-pasasalamat ng comedy show sa lahat ng mga viewers na tumangkilik sa kanilang show.


Samantala, ang sitcom naman na Pepito Manaloto (PM) ay patuloy na tinatangkilik ng masang Pinoy. Simpleng-simple lang ang mga kuwento at marami ang nakaka-relate sa PM


Saktung-sakto rin ang cast at akma ang pagsasama-sama ng iba’t ibang personalidad.


Fifteen years nang umeere ang comedy serye. Limang taon pa lang noon si Clarissa (Angel Satsumi) at sa PM na rin siya inabot ng kanyang debut. Maraming viewers ang nagsasabi na masaya ang bawat episode, ito raw ang version ng GMA-7 ng John en Marsha (JEM) nina Dolphy at Nida Blanca noon kaya patuloy na pinanonood. May aral din daw na mapupulot sa PM.


Well, hindi sinosolo ni Michael V. ang kredito sa tagumpay ng serye. Joint effort daw ito ng buong cast tulad nina Manilyn Reynes, Nova Villa, Ronnie Henares, John Feir, Chariz Solomon, Jake Vargas, Angel Satsumi, Mosang, Arthur Solinap, Maureen Larrazabal atbp..



HANDANG-HANDA na ang pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para sa 37th Star Awards for TV na gaganapin sa Linggo, August 24, sa VS Hotel.


Magsisilbing hosts ng Star Awards for TV ang veteran host and the King of Talk na si Boy Abunda, kasama sina Pops Fernandez, Robi Domingo, Gela Atayde at Elijah Canlas.


Bukod sa mga major categories na pararangalan (Best Actress, Best Actor, atbp.), bibigyan din ng tribute at Lifetime Achievement Awards sina Caridad Sanchez, Ariel Ureta, Geleen Eugenio at Angelique Lazo.


Gagawaran naman ng Plaque of Appreciation sina Atty. Persida Acosta, Cecille Bravo, Atty. Emerson Bravo at ang VS Hotel.


Ang mananalong Best Actress at Best Actor ay tatanggap din ng cash incentive mula sa BingoPlus, ganoon din ang tatanghaling Female at Male Star of the Year.

Ang 37th Star Awards for TV ay mula sa direksiyon ni Vivian Blancaflor.


Комментарии


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page