top of page
TEKA NGA - SEN. ROBIN, NANINIWALANG ‘DI NA KAILANGAN NI DANIEL NG KA-LOVE TEAM-IG _robinpa

Kaya inaayawan ng fans para kay Juliana… RICCI, MINARKAHAN NG TAO DAHIL ‘DI NAGLALABA NG BRIEF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 30
  • 4 min read

Updated: Mar 31

ni Beth Gelena @Bulgary | March 30, 2026



Ricci Rivero - Instagram

Photo: Ricci Rivero - Instagram



Sadyang tanggap na ni Richard Gomez ang boyfriend ng anak nila ni Lucy Torres na si Juliana Gomez na si Ricci Rivero.


Sa isang TikTok (TT) post ay may nagbahagi ng larawan nina Goma, Juliana at Ricci na kumakain sa isang restaurant without Lucy.


Siyempre pa, ang mga komento ay against sa relasyon ni Juliana kay Ricci.

Anila, “Juliana, bata ka pa lang, inabangan ka na ng mga tao kasi anak ka nina Richard Gomez and Lucy Torres. Tapos eto. Pero sige, kung saan ka naman masaya.”


“LOL (laugh out loud), parang tatay din n’ya ‘yan. Collect and collect muna, later na select.”

“‘Yan, kinikilatis na. Kinakabahan na si Goma, pero dapat, ‘di obvious.”

“That is what Richard did before. Marami s’yang pinakabang tatay noon. Ngayon, his turn to sweat and worry.”


May mga kampi naman kay Ricci, “Diyos ko, para namang royalty si Juliana. Okay naman si Ricci.”


“Puro showbiz kasi. Basa rin kayo sa basketball. De-kalibreng basketball player si Ricci Rivero, University Athletic Association of the Philippines (UAAP) period pa. Self-made person s’ya dahil sa galing, passion at commitment n’ya sa basketball. Pareho rin silang from University of the Philippines (UP) ni Juliana. Hanggang ngayon, ex-girlfriend ang basehan ninyo? Paano naging babaero, eh, 3rd girlfriend pa lang n’ya si Juliana considering basketball player s’ya, automatic habulin ng mga fans. Tigilan na ninyo ‘yan. Mga young adult pa ‘yan, puwedeng magkamali para magpatibay sa kanilang pagkatao.”


“Fact: not a boomer but I’m a successful, smart young millennial na marunong mag-isip. Ikaw, if you are already in your 30s and that is how you think, rationalize and debate, malaking good luck sa ‘yo. At least si Richard Gomez, marunong mag-set ng goal and keeps improving every chance he got. Marami pang bigas na kakainin si Ricci, dahil magaling ang tatay ni Juliana at ‘di lang nag-settle for a nice girl, may ambisyon sa buhay.”


“Bakit ang daming bashers ni Ricci? Mabait, guwapo at mayaman naman. Suwerte nga ni Juliana, nakahanap ng tall, dark and handsome. Lahat ng babae, pinapangarap makahanap ng dyowa gaya ni Ricci.”


Ganern? Grabe kasi ang inabot na bashing ni Ricci Rivero noon nang mahiwalay kay Andrea Brillantes na hindi ito naglalaba ng brief. Hahaha!





Bilyonaryong negosyante, katsikahan sa party…

IÑIGO ZOBEL, BILIB KAY VICE



Ang bongga talaga ng Unkabogable Phenomenal Superstar ng showbiz na si Vice Ganda!

Sa post-birthday event ng celebrity doctor na si Vicki Belo na ginanap kamakailan sa BGC, marami ang nakasaksi sa pagdadaupang-palad ni Meme Vice at ng billionaire business tycoon na si Iñigo Zobel. Marami ang nakapansin na natuwa si Mr. Zobel kay Vice habang sila ay nag-uusap.


Marami raw ang nainggit kay Vice dahil rubbing elbows nito ang isang Iñigo Zobel. 

Sey ng mga netizens:


“S’yempre, hanga sila kay Vice dahil kahit mga mayayaman ay bilib sa kanya.” 

“Even in her shows, obvious ang talino, galing at bilis ng pag-iisip ni Meme Vice Ganda. Not surprising na pati businessmen ay humanga sa kanya.”


“Sadyang makatao kasi si Vice at galing sa hirap kaya dala-dala n’ya ang karanasan at dahil du’n, kuhang-kuha n’ya ang damdamin ng masa at marami s’yang natutulungan na ‘di na kailangan pang isapubliko o ipakita sa media kaya I salute you, Vice Ganda, you deserve the blessings of God.”


“Mahusay naman kasi si Vice kahit sa ano’ng aspeto mo ilagay. Matalino talaga.”

“Eh, smart pa si Vice. Globe and Talk ‘N Text, pinagsama. No dull moment kay Vice.”

“Mr. Iñigo Zobel is fascinated by Meme Vice’s wit and humor and we need it especially in times like this, what's going on here and around the world.”


“Witty din kasi si Vice Ganda, kumbaga may laman ang utak kaya masarap kakuwentuhan ang mga ganyang klaseng tao.”

Wow naman!





Bongga kahit ‘di naman anak…

PAOLO, IPHONE 17 ANG B-DAY GIFT KAY SIENNA STEVENS



MASAYA ang batang aktres na si Sienna Stevens dahil nakatanggap siya ng regalo mula sa aktor na si Paolo Contis —- isang iPhone 17 para sa kanyang kaarawan. Tinawag ng batang aktres ang beteranong aktor na kanyang ‘Tito’ at nagpasalamat dito sa pagganap bilang Santa Claus sa kanyang espesyal na araw.

Ibinahagi ni Sienna ang kanyang pasasalamat sa Instagram (IG) kung saan maraming netizens ang napukaw ang atensiyon. 


Ani Stevens, “Kontrabida ng buhay ko sa TMC (The Master Cutter) pero Santa Claus naman ng birthday ko ‘yan? Thank you, Tito @paolo_contis sa pa-iPhone 17. Love you po!” 





Nagdagdag pa siya ng mga cute na emojis upang ipahayag ang kanyang pananabik at pagpapahalaga sa sorpresang natanggap.


Para kay Sienna, ang pagsapit ng ika-10 niyang kaarawan na kasabay ng isang maliit na salu-salo at dinaluhan ng mga kilalang tao tulad nina Rabiya Mateo at Jake Cuenca at may regalo pang iPhone 17 mula kay Paolo ay dagdag-kasiyahan sa kanyang pagdiriwang.


Maraming netizens ang positibong tumugon sa kanyang post, nagpadala ng mga pagbati at pinuri ang sweet gesture ng kanyang mga co-stars. 


Sina Paolo at Sienna ay nagkasama sa kontrobersiyal na pelikula noong 2025 na Dear Santa (orihinal na pinamagatang Dear Satan). 


Sa pelikula, ginagampanan niya ang papel ni Chichi, isang batang babae na sumulat ng liham kay Santa ngunit mali ang baybay nito. Ang kanilang kolaborasyon ay lumawak pa at muling nagkasama sa isang teleserye ng Kapuso Network.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page