Kaya hinay-hinay lang sa ex ni Janine… JULIE ANNE, AYAW MAGING PAMASAK-BUTAS LANG NI RAYVER
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 20, 2022

Ngayong officially single na ang status ng Kapuso actor na si Rayver Cruz, puwedeng-puwede na siyang manligaw ulit at humanap ng makakapalit ni Janine Gutierrez sa kanyang puso.
At sa status ng career ni Rayver ngayon, maraming kababaihan ang tiyak na naghihintay lang na makawala siya sa relasyon nila ni Janine.
Good catch kung tutuusin si Rayver at boyfriend/husband material. Puwedeng ipagmalaki si Rayver ng kahit na sinong babae.
Ngayon ay inili-link si Rayver sa ka-tandem niyang singer-actress na si Julie Anne San Jose na nakasama niya sa pagho-host ng The Clash. Regular mainstays din sila sa All-Out Sunday.
Naging bahagi rin si Rayver sa Limitless concert ni Julie Anne. Lumawak na rin ang kanilang grupo ng tagahanga, ang JulieVer fans na lagi silang sinusuportahan.
Marami ang umaasa na ang friendship nina Julie Anne at Rayver ay mauuwi sa totohanang relasyon. Sila ang bagay sa isa't isa.
Pero si Julie Anne ang tipong hindi basta papasok sa isang relasyon, kahit na nga pormal nang inamin ni Rayver na naka-move on na siya sa breakup nila ni Janine.
Ayaw niyang maging rebound lang siya upang damayan si Rayver Cruz. Okey na lang muna kung maging close friends sila. Gustong tiyakin ni Julie Anne San Jose na may feelings nga sa kanya si Rayver at hindi spare tire lamang.





Comments