top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kaya FC, Kampeon; Stallion, 3RD place sa Paulino Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 21, 2021





Walang nakapigil sa kampeonato ng Kaya FC Iloilo nang masungkit ang korona ng Copa Paulino Alcantara 2021, kahit saglit nawalan ng kuryente sa Philippine Football Federation (PFF) National Training Center sa Carmona, Cavite Biyernes ng gabi. Ipinasok ni Kenshiro Daniels ang nag-iisa at panalong goal sa ika-48 minuto upang manaig ang Kaya sa palaban na Azkals Development Team, 1-0, para sa pangalawang tropeo sa taunang torneo.


Nag-blackout sa palaruan pagsapit ng ika-27 minuto subalit ganado pa rin ang mga koponan sa pagbalik at lalong humigpit ang laban. Hindi nag-aksaya ng panahon ang Kaya at ginamit ang paglingat sa depensa ng Azkals para maipasok ni Daniels ang bola.


Nabahiran ang kanilang husay matapos palabasin si Dylan de Bruycker na may 1 minuto pa sa orasan bunga ng 2nd yellow card. Kahit kulang sa isa ang Kaya at kumapit hanggang sa huling silbato ng reperi.


Maliban sa tropeo ng Kaya, iginawad kay kapitan Jovin Bedic ang Golden Ball o Most Valuable Player at Louie Michael Casas na Golden Glove o Best Goalkeeper na walang pinalusot na bola sa tatlong laro. Hinirang na Golden Boot si Jarvey Gayoso ng Azkals sa bisa ng 6 goal subalit malaking bagay ang hindi paglaro sa championship matapos masaktan ang hita sa semis kontra Stallion Laguna FC. Bilang kampeon, ang Kaya ang kakatawan sa Pilipinas sa 2022 AFC Cup at magkakaroon at may tsansang makalahok sa 2022 AFC Champions League qualifiers.


Samantala, kailangang dumaan sa makapigil-hiningang penalty shootout ang Stallion Laguna FC kontra para magwagi sa Dynamic Herb Cebu FC, 5-4 at makuha ang 3rd place.


Tiniyak ni Griffin McDaniel ang panalo matapos tumama ang bola sa baras at tumalbog lampas ng linya at hindi ito naharang ni Ace Villanueva.


Maghahanda na ang mga koponan para sa pagbukas ng 2022 Philippines Football League (PFL) Pinaplantsa na ang pagsimula ng bagong torneo sa Pebrero 2022.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page