top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kaya FC Iloilo, pinakabog ang Azkals sa Copa Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 9, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 9, 2021





Nakauna ang Kaya FC Iloilo sa Azkals Development Team, 2-0, upang pormal na buksan ang 2021 Copa Paulino Alcantara Linggo ng gabi sa Philippine Football Federation (PFF) National Training Center sa Carmona, Cavite. Nagbunga ang tiyaga ng Kaya at nahanap nina Daizo Horikoshi at Simone Rota ang mga goal sa second half upang maitapak ang isang paa sa semifinals ng torneo.


Matibay ang depensa ang mga kabataan ng ADT at natapos ang first half na walang goal. Biglang nakalusot ang mga beterano ng Kaya at naiwang walang bantay si Horikoshi sa ika-54 minuto para sa buwenamanong goal.


Hindi pa tapos ang Kaya at sinipa ng malapitan ni Rota ang pangalawang goal sa ika-70 minuto salamat sa mahusay na free kick ng reserbang si Ryo Fujii. Sinikap bumawi ang ADT na makabawi subalit nanatiling matatag ang Kaya.


Sisikapin ng Kaya na masigurado ang puwesto sa semis sa Miyerkules sa tapatan nila sa isa pang kalahok sa Grupo B na Mendiola 1991 simula 4:00 ng hapon. Susundan ito ng laban sa Grupo A ng Stallion FC Laguna at Dynamic Herb Cebu sa 7:30 ng gabi.


Dahil dalawa lang ang koponan sa Grupo A, parehong pasok na ang Stallion at Dynamic Herb sa semifinals ngunit mahalaga para sa kanila ang tagumpay upang maging numero uno sa grupo at matapat sa mas magaan na kalaro. Babalik ang dalawang koponan sa aksiyon sa semifinals sa Nob.16.


Naniniwala si Coach Oliver Colina ng Dynamic Herb na walang koponan ang nakakalamang sa ngayon at maaaring matalo ang kahit sino sa mga ito. Sa huli ang pinakahandang koponan ang magwawagi, dagdag ni Coach Colina na hinawakan din ang Kaya noong kampanya nito sa 2020 AFC Cup.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page