top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

KAYA FC Iloilo, kampeon sa PFL, babanat sa AFC

Writer: BULGAR
BULGAR
May 26, 2023
2 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 26, 2023



Kinoronahan na bilang kampeon ang Kaya FC Iloilo ng 2023 Philippines Football League (PFL) hatid ng Qatar Airways, ang pinakauna sa kasaysayan ng koponan. Nakakatiyak na magtatapos na numero uno ang koponan kahit may isa pa silang larong nalalabi at tumanggap ng tulong mula sa Stallion Laguna FC na inipit ang pumapangalawang Dynamic Herb Cebu FC sa isang 0-0 tabla noong Miyerkules sa Cebu.


May 52 puntos ang Kaya mula sa 17 panalo, isang tabla at tatlong talo at may isa pang nakatakdang tapatan kontra Stallion. Dahil tumabla lang ang Cebu, tinapos nila ang kampanya na may 51 puntos mula sa 15 panalo, anim na tabla at isang talo.


Bilang kampeon ng PFL, kakatawanin ng Kaya ang PFL sa 2023-2024 AFC Champions League sa Setyembre. Maglalaro ang Cebu at Stallion sa kasabay na 2023-2024 AFC Cup.


Mainitan ang laban kung saan pinalabas si Cebu coach Mehmet Khakil matapos niyang sugurin ang mga reperi at labis na magreklamo sa ika-86 minuto bunga ng hindi nila pagbilang sa goal ni Roberto Corsame. Pinaalalala ni Patrick Deyto ng Stallion bakit isa siya sa pinakamahusay na goalkeeper ng bansa at walang-kabang napigil ang lahat ng mga pagkakataon ng Gentle Giants na maipasok ang bola sa sumunod na 14 at idinagdag na walong minuto sa gitna ng tuminding atake ng Cebu.


Bago noon, naging siyam na lang ang manlalaro ng Stallion laban sa 10 ng Cebu. Isa-isang pinatawan ng red card at pinalabas sina Rafa Nogueda (64’) at Shirmar Felongco (83’) ng Laguna at Daniel Gadia (77’) ng Cebu.


Nagulantang muli ang PFL sa biglaang paghayag ng Azkals Development Team ng kanilang pag-atras sa liga noong Mayo 23.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page