Kaya excited maging host... MAJA, GUSTONG MAHASA ANG UTAK
- BULGAR
- May 15, 2023
- 2 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | May 15, 2023

Kahapon, Mother's Day (May 14), sa ganap na 5 PM, nagsimula na ang bagong game show na may titulong Emojination hosted by Awra Briguela at Maja Salvador mula sa APT Entertainment na mapapanood sa Cignal TV at BuKo Channel.
Nagpatikim kung paano laruin ang Emojination na sinalihan ng mga taga-media at mga vloggers. Nakaka-happy at talagang mapapaisip ka kung ano ang ibig sabihin ng mga emojis na ipinapakita sa screen.
Mga Gen Z at Gen Alpha na ang magagaling pagdating sa mga emojis, kaya kung kabilang ka sa mga millennial, Gen X at Boomers ay malamang kailangan mo munang mag-aral bago ka sumali sa game show na ito.
Ang prize na paglalabanan ay aabot sa total of P80,000 kapag nasagot lahat nang tama ang mga emojis, kaya mag-join na ang mga hindi gaanong busy sa work.
Anyway, excited naman sina Maja at Awra sa muli nilang pagsasama dahil noon ay batang-bata pa ang huli at alaga pala talaga siya ng aktres sa FPJ's Ang Probinsyano.
Kuwento nga ni Maja, "Maliit pa lang si Awra, ate-ate na niya ako kasi nagka-work kami. So, maliit pa lang si Awra noon at ngayon, saludo na sa kanya ang mga Gen Z dahil sa kanyang ganda, sa kanyang porma.
"But first time naming magsama sa isang game show. Makikita rito 'yung kakulitan side naming dalawa na ibang-iba sa seryeng pinagsamahan namin before. I think may chemistry naman 'yung pagho-host naming dalawa kaya nakaka-excite."
Sey naman ni Awra na nakasama niya ulit si Maja, "Sobrang suwerte ko kasi alagang-alaga ako ni Ate Maja at parang may anak talaga siya. Kita mo naman, I'm wearing her Versace shoes right now (magka-size sila).
"Sobrang tutok si Ate sa akin, sa pananamit ko, sa nails ko na siya rin ang nagdidikit nito.
Ramdam na ramdam ko 'yung love niya sa akin kahit noong bata pa ako, lalo't hinahayaan niya akong gamitin ang artista van niya. Kaya happy ako na si Ate Maja ang kasama ko rito."
Nagtanong naman kami sa production at talagang pinupuri nila ang pagiging host ni Awra sa game show na Emojination.
Inamin din ni Maja na mahirap maging host ng isang game show, kaya kinailangan niyang pag-aralan ito at dapat mabilis din siyang mag-isip.
At kahit na baguhan at hindi pa ganu'n kalalim ang kanyang kaalaman at karanasan tungkol sa pagiging host, tinanggap pa rin ni Maja ang project na ito dahil gusto niyang ma-challenge.
"Sobrang fun 'pag nagte-taping kami, lalo na nu'ng rehearsal kasi sinabi sa amin kung ano pa ang mga kulang sa amin," saad ni Maja.
Sabi naman ni Awra, "Na-excite ako kasi pagaganahin ang utak mo para isipin kung ano 'yung mga emojis. First time ko ring maging host kaya medyo kinabahan ako. Pero nu'ng mag-roll na kami, kusang lumabas na at 'yung banter namin ni Ate Maja ay okay na okay din."





Comments