top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Kaya dinedma nu'ng Father's Day… 3 ANAK, NA-TRAUMA KAY DENNIS

  • BULGAR
  • Jun 28, 2022
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | June 28, 2022




May buwelta kay Dennis Padilla ang anak niyang si Leon sa emote ng comedian na diumano ay hindi man lang siya binati ng tatlong anak nila ni Marjorie Barretto noong Father's Day.


Sa kanyang post sa social media idinaan ni Dennis ang tampo kina Julia, Claudia at Leon. Kaya, marami ang nakisimpatya kay Dennis at na-bash na naman ang kanyang mga anak.


Dahil dito, hindi na nakatiis ang anak niyang si Leon at idinaan din sa social media ang kanyang mga himutok sa ama. Sa kanyang mensahe, nabanggit ni Leon na sampung taon na hirap na hirap silang magkakapatid kung paano babatiin ang kanilang amang si Dennis Padilla tuwing sasapit ang Father's Day. Hindi raw kasi nila alam kung nagpakaama ito sa kanila.


Nagkaroon ng gap ang kanilang relasyong mag-aama at hindi malinaw sa kanila kung ano ang tunay na sitwasyon ng kanilang pamilya. Nag-effort naman daw silang kausapin si Dennis pero madalas ay sigaw at galit ang ginagawa nito kapag kanilang kinakausap.


At madalas, idinadaan pa ni Dennis ang lahat sa social media kaya sirang-sira ang imahe nilang magkakapatid sa publiko.


Sana raw, kung totoong mahal niya at nagmamalasakit si Dennis Padilla sa kanyang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon, hindi niya sinisiraan ang mga ito gamit ang social media. Si Dennis ang dapat nagpoprotekta sa mga ito.


So, paano raw nila magagawang batiin ang kanilang ama tuwing Father's Day kung ganito ang kanyang ginagawa? May trauma na nga naman ang mga anak ni Dennis dahil sa kanilang naranasan.


Mas makakabuti na manahimik na si Dennis para maayos nila ang kanilang problema.


Dapat ay unawain din ni Dennis ang sitwasyon ng kanyang mga anak. Huwag muna niyang ipilit na magkabati-bati sila ng kanyang mga anak. Darating at darating 'yun sa tamang panahon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page