Kaya ‘di makauwi sa sariling bahay… DEREK, NOT ONCE BUT TWICE IPINA–BARANGAY NI ELLEN
- BULGAR

- 3 hours ago
- 3 min read
ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | November 20, 2025

Photo: FB / Derek at Ellen
“I’ll be gone forever. So just give me time until my place is done,” ito ang seryosong sabi ni Ellen Adarna sa mga nagtatanong na mga netizens kung sa bahay pa ng estranged husband niyang si Derek Ramsay siya nakatira.
Inamin ni Ellen na doon pa nga rin siya nakatira, pero hindi pa tapos ang renovation ng bahay na titirhan nilang mag-iina at hindi raw doon nakatira ang aktor.
At para maging legal ang lahat ay ipina-barangay niya ang asawa. “Ipina-barangay ko siya dai, twice. Not once, but twice. Yeah, but we had an agreement that, this was like months ago, three months ago, we had an agreement that he won’t come back until I move in to my new place,” pahayag ni Ellen sa kanyang Instagram (IG) Live.
Sa sinabi ni Ellen na “I’ll be gone forever,” ay winakasan na nito ang pagiging mag-asawa nila ni Derek.
Nasambit din naman ito ng aming source na hindi na nga raw magkakabalikan pa ang dalawa at nanghihinayang siya.
Anyway, bukas ang BULGAR sa panig ni Derek Ramsay tungkol sa pasabog na ito ni Ellen Adarna.
Ganu’n din daw ‘yung nagpaaral sa kanya…
VICE, AYAW MAKILALA NANG PERSONAL ANG MGA SCHOLARS NIYA
Maraming pinaaral si Vice Ganda at nabanggit naman niya ito sa It’s Showtime (IS), pero hindi niya kilala ang iba at ito ang gusto niya dahil ayaw niyang magkaroon ng attachment sa mga ito.
Okay na raw na pasalamatan siya at hindi na nila kailangang magkita pa.
Pay it forward ang ginagawa ni Vice dahil, “I was once like them (scholars). I was once a kid who was sent to school by someone I did not meet in person.”
Binanggit ni Vice ang pangalan ng taong nagpaaral sa kanya. Isa itong Haponesa na hindi niya nakilala nang personal, pero ang tanging ginagawa niya ay kada linggo, sumusulat siya para magpasalamat dito at magbigay ng updates kung ano’ng nangyayari sa kanya sa school.
Hanggang sa narating na niya ang Japan at hinanap niya ang kanyang benefactor, pero walang nangyari dahil ang address na lagi niyang pinadadalhan ng sulat ay hindi na residential ngayon at walang nakakakilala sa taong hinanap ni Vice.
Nangyari ang pag-amin ni Vice sa ginanap na contract signing at launch ng Beautederm Belle Dolls New Faces sa Solaire Resort North nu’ng Lunes, Nobyembre 17, kung saan sina Vice at Ion Perez nga ang ipinakilala at tinawag sa harap ng stage.
Ang pagpayag ni Vice kasama si Ion Perez ang maituturing na advanced birthday gift ni Beautederm CEO Rei Tan dahil matagal na pala niyang nililigawan ang Unkabogable Superstar para maging endorser ng Belle Dolls drink tulad ng Collagen Juice Drink Avocado and Kiwi Flavored, Stem Cell Juice Drink na Strawberry Lychee Flavored, Caramel Macchiato Healthy Coffee, at Black Coffee Decaf, pero hindi natutuloy.
Health buff si Ion at ‘yun ang nagustuhan sa kanya ni Ms. Rei.
Aniya, “Ganu’n din kasi ako, tulad ni Ion na pinipili ang pagkain kaya sila ang right faces bilang bagong ambassadors natin. Gaya ko, I’m turning 45 (November 26) and 99 pounds, kaya dapat maging healthy tayo kasi paano natin aalagaan ang ibang tao kung sarili natin, hindi natin maalagaan?
“Saka health conscious kami ni Achi (Vice), nasa 40s na, at hindi na kami nagsu-sugar kaya saktung-sakto ang Belle Dolls.”
Samantala, kilala na raw noon pa ni Vice ang Beautederm.
Aniya, “Of course I know Beautederm kasi si Darla (Sauler), gumanda! At saka si Lorna Tolentino rin. Sabi ko kay LT, ‘Ang ganda-ganda ng mukha mo, hindi ka tumatanda.’ Tapos sabi sa akin, ‘That’s Beautederm.’ Kaya I know Beautederm.”
Kaya sobrang nagpasalamat sina Vice at Ion na parte na sila ng Beautederm family at natapat pa sa 16th anniversary ng kumpanyang itinayo ni Ms. Rei.










Comments