Kaya 'di makapagseryoso… JULIA, PERA ANG HABOL SA LALAKI
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | August 23, 2022

“Ang mahal mong mahalin,” ito ang sinabi ni Carlo Aquino kay Julia Barretto sa isang eksena nila sa pelikulang Expensive Candy na idinirek ni Jason Paul Laxamana produced ng Viva Films.
Base sa trailer ng pelikula na ipinost ni Julia sa kanyang Instagram ay nahahawig ang kuwento nito sa Pretty Woman na unang pelikula ni Julia Roberts noong 1990 na naging daan kaya sumikat siya nang husto at nakakuha ng tatlong awards tulad ng Golden Globe award for Best Actress, Kids' Choice award for Favorite Movie Actress at People's Choice award for Favorite Comedy Actress.
Bar girl ang role ni Julia Barretto at naging regular customer niya si Carlo mula nang unang beses makaranas ng halik.
Simpleng guro ang trabaho ng binata at kailangan niya ng malaking halaga para makasama niya ang dalaga.
Lumalim ang nararamdaman ni Carlo pero pinipigilan naman ni Julia dahil hindi siya puwedeng umibig sa taong simple ang gusto sa buhay. May mga personal din kasi siyang obligasyon.
Sa tanong ni Carlo kung bakit hindi siya umiba ng hanapbuhay, “Dito ako magaling,” sagot ni Julia.
Interesting ang pelikula ni Direk Jason kaya marami ang curious na mapanood ito sa Setyembre 5 sa mga sinehan.
Yes, sa theaters ito mapapanood at hindi sa Vivamax kaya nakaka-excite ulit makita ang mga mahabang pila sa malls.





Comments