top of page

Kaya ‘di maipalabas… SHOW NI WILLIE, MAY PROBLEMA PA SA TV5

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 20, 2026



TEKA NGA - SHOW NI WILLIE, MAY PROBLEMA PA SA TV5_FB Willie Revillame

Photo: File / FB Willie Revillame



Marami ang nagtatanong kung tuloy pa ba ang pag-ere ng programang Wilyonaryo ni Willie Revillame sa TV5. Bakit tila mauudlot na naman ang pagpapalabas nito? 


Matagal nang nag-aabang at naghihintay ang mga loyal viewers ni Revillame. Nakapag-dry run na ang Wilyonaryo at handang-handa na upang sumalang sa ere.


Pero ayon sa ilang mga TV5 insiders, may mga inaayos pang problema kaya hindi pa puwede ang pagpapalabas ng Wilyonaryo


Ang una raw na nakausap at kanegosasyon si Willie tungkol sa slot sa TV5 ay si Ms. Jane Basas na dati ring CEO at presidente ng MediaQuest ngunit nag-resign na ito kaya ang big boss ng network na si Manny V. Pangilinan (MVP) ang naging hands-on sa mga problema ng mga shows.


Kaya kailangan na maayos muli ang magiging pag-uusap nina Revillame at MVP tungkol sa Wilyonaryo. Ito ang unang ise-settle ni Willie bago umere sa TV5 ang programa.

Samantala, nagkaroon ng problema ang TV5 nang ikansela nila ang partnership sa Kapamilya Network at inilipat sa ALLTV (Villar Network) ang malalaking shows ng ABS-CBN tulad ng Batang Quiapo (BQ), Roja at What Lies Beneath (WLB)


May mga bagong teleserye na ang TV5, pero hindi pa ganoon ka-stable at hindi pa naipo-promote nang husto. Kailangan din ng TV5 ng mga taong mahuhusay sa programming upang makuha ang pulso ng mga viewers. Need din ng Kapatid Network ng mga artistang malakas ang hatak sa masa.



MABENTANG-MABENTA na ninong at ninang sa kasal ang showbiz power couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ilang beses na silang nag-anak sa kasal ng mga showbiz personalities. Ang latest nga ay ang isa sa mg miyembro ng bandang Ben&Ben na ikinasal recently.


Marami ang naniniwala na hindi kasama ang DongYan sa nabanggit na blind item na power couple na hiwalay na. Labing-isang taon nang kasal sina Marian at Dingdong, kaya maikokonsidera silang perfect at ideal couple sa showbiz. Dahil dito, sila ang paboritong kunin na ninong at ninang sa kasal.


Kung tutuusin, batambata pa sila upang maging ninong at ninang, ngunit isa itong pribilehiyo na mahirap tanggihan. Bukal sa puso nila ang tanggapin ang ganitong papel. 


Sinisikap nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na maging matatag ang kanilang marriage upang maging magandang ehemplo sa lahat.



MARAMI sa movie industry ang patuloy na nagdarasal para kay Bong Revilla, Jr. upang makayanan niya ang mga pagsubok na pinagdaraanan niya ngayon. 


Bagama’t marami ang humuhusga at kinokondena siya sa diumano’y ghost projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH), naniniwala naman ang iba na justice will prevail.


Sa halip na panghinaan ng loob, nagpakita si Bong Revilla, Jr. ng tatag ng loob. Hindi magpapatalo sa mga pagsubok, nag-focus siya sa mga positibong bagay. 


Ang pananatili niya sa kanyang farm at pag-aalaga ng mga manok ay nagdulot sa kanya ng payapang kaisipan. Noon ay naranasan na niyang makulong sa Camp Crame ng pitong taon. Nalagpasan niya ang pagsubok na ito sa kabila ng kalungkutan at pangungulila sa kanyang pamilya. 


Ngayon, kung anuman ang maging kapalaran niya, ipinauubaya na niya sa Diyos ang lahat. Mananatili siyang matatag sa gitna ng malalaking hamon, at marami ang nagdarasal para sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page