top of page
Search
  • BULGAR

Kaya barya lang ang suot na P40K na swimsuit…HEART, NAGBUKAS NG BEACH RESORT SA BORACAY

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 23, 2021




Manghang-mangha ang mga netizens sa naka-post sa social media kung saan nakabalandra ang one-piece swimsuit ni Heart Evangelista na worth P40,000!!!


Bakit daw ganu'n kamahal ang nasabing swimsuit, eh, mukha namang ordinary lang?


At kahit pa branded o designer swimsuit ito, hindi naman siguro aabutin ng P40 K!


Sobrang bongga naman ni Heart dahil lahat halos ng gamit niya ay puro branded at mamahalin. Napaka-fashionista niya kaya mahal ang kanyang mga gamit.


Depensa naman ng mga fans ni Heart, sariling pera naman niya ang ipinambibili niya ng kanyang mga gamit at pinaghirapan niyang kitain. Dapat din na bigyan niya ng reward at regalo ang kanyang sarili.


Samantala, masaya namang ibinalita ni Heart na open na for business ang kanyang private resort sa Boracay. Nakisosyo siya sa nasabing beach front resort.


Sa kanyang social media account ay ipinasilip na ni Heart ang vacation house na napaka-social ng ambiance. May swimming pool ito, magaganda ang mga kuwarto at puwedeng rentahan ng mga turista o kahit na sino na can afford sa presyo nito na P12 thousand a day.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page