top of page
Search
BULGAR

Kaya balik-showbiz ngayong hiwalay na… PRISCILLA, AMINADONG NAWALAN NG CAREER NANG MAGPAKASAL KAY JOHN

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Sep. 26, 2024



Showbiz news

Sa panayam ni Luis Manzano kay Priscilla Meirelles sa Luis Listens vlog nito na ini-upload kahapon na may views nang almost 300,000 ay inamin ng dating beauty queen na babalik na siya sa showbiz at the same time ay she’s into vlogging.


Tinanong ni Luis kung ano ang inaasahan kay Priscilla sa taong 2025.

“I’m really planning to go back to showbiz, I’m so blessed to be managed by Aguila (Aguila Entertainment) and gusto ko ulit makikita ninyo ako sa big screen and of course, I have a vlog. Sobra 'kong saya, sobra 'kong enjoy ‘yung vlog life, I’m a vlogger. Hahaha!” masayang pahayag nito.


Ipinromote na rin niya na may interbyu siya kay Luis at abangan daw ito.

Tinanong ni Luis na kung sakaling babalikan ang nakaraan ay may gusto ba siyang baguhin?


Sagot ni Priscilla, “One thing that I wouldn’t say regret but because I have plans para sa buhay ko, so meron akong time frame. But I think that nowadays, the time frame have changed so much. If there’s one thing that I would change but I do not regret (diin n’ya), I wouldn’t have gotten married so early in my age because getting married stops me from doing so many things.


“Because when you become a wife and a mother, of course limited ka. ‘Yung focus mo now is your family and kid. So I focused on my family and my daughter. I was a full-time mom. I do not regret that I have a wonderful family.


“But the thing is I deprived myself of a lot of dreams that I had, so, I just pray that this time around, I can resume them or at least you know, be able to achieve some of them.”


Sa kabuuan ng panayam ni Luis ay hindi nabanggit ang pangalan ni John Estrada at hindi rin nito tinanong si Priscilla kung kumusta na ang kanilang pagsasama at kung sila pa rin ba ng mister.


Pero nagpahaging ito na naging kontrobersiyal ang wifey ni John sa socmed, bagay na sinagot niya na kaya raw siya nag-live sa Instagram dati ay para sagutin ang tanong ng mga netizens at ipaliwanag kung bakit siya nasa Brazil dahil dumalaw siya sa pamilya niya na sobrang miss niya.


At dahil sa sagot ni Priscilla sa netizen na "Work lang po, thanks for understanding" ay iisa lang ang ibig sabihin, hindi pa sila okay ng asawang si John Estrada kahit nagkasama sila sa F1 racing event sa Singapore recently. 


Bukas ang BULGAR sa panig ni John Estrada tungkol sa sinabing ito ni Priscilla Meirelles.


 

Proud daw sa GF… 

ALJUR, HAPI NA TUMIGIL NA SI AJ SA PAGPAPA-SEXY 


Aljur Abrenica - AJ Raval

PAREHONG hindi naningil ng talent fee ang magdyowang Aljur Abrenica at AJ Raval sa advocacy online series na West Philippine Sea or WPS na produced ni Doc Michael Aragon ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. or KSMBPI.


Nagustuhan nina Aljur at AJ ang project, kaya nila ito tinanggap, plus gusto ring makatrabaho ng dalawa si Jeric Raval o "Tatay Jeric" kung tawagin ng dalawa.

Hindi pa raw kasi nila nakakatrabaho ang action star, kaya’t looking forward sila rito dahil tuluy-tuloy ang bonding nilang tatlo.


Suportado naman ni Doc Mike ang desisyon ni AJ na ihinto na ang pagpapa-sexy at tutulungan niya itong magkaroon ng projects na hindi magpapakita ng skin. Bukod dito ay ipu-push niyang magkaroon ng singing career si AJ lalo’t willing si Rannie Raymundo na isa sa cast ng WPS na ipakanta ang kanyang original compositions, kaya napangiti ang dalaga sa narinig.


Pero mananatiling Viva artist si AJ at hinding-hindi niya iiwan ang Viva dahil malaki ang utang na loob niya kina Boss Vic del Rosario at sa katunayan ay kagagaling lang niya ng Viva Office kahapon for a meeting habang isinasagawa ang Zoom mediacon para sa next project niya.


Anyway, hiningan ng reaksiyon si Aljur sa pahayag ni AJ na inihinto na niya ang pagpapa-sexy sa mga pelikula ng Vivamax dahil gusto niyang maging wholesome na at ipinaalam na ito ng aktres sa manager niyang si Boss Vic.


Say ni Aljur, “Nu’ng naging desisyon n’ya ‘yun, actually, magkasama kami at nababanggit na rin ‘yun ng pamilya n’ya, naging masaya ako sa desisyon n’ya. Kasi ako naman, lagi lang akong nakasuporta sa mga kaibigan ko kung ano ang gusto nilang gawin at para sa desisyon n’yang ‘yun, I’m happy and I’m proud of her kasi next step ‘yun (career) sa gusto n’yang gawin and anyone na alam mong pupunta sa mas magandang path, you’ll be proud.”


Mapapanood na sa November 1 ang WPS sa DZRH – Digital TV at simultaneously, susunod na sa radyo, ayon sa Station Manager ng nasabing istasyon na si Atty. Rejie Jularbal.


Dumalo rin sa Zoom mediacon ng WPS kahapon ang magkapatid na Rannie at Lance Raymundo bukod kina AJ Raval at Aljur Abrenica.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page