top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Kaya ayaw paturok ng COVID vaccine… ATTY. ACOSTA, NAGKAPANTAL-PANTAL, NAGKA-TRAUMA SA BAKUNA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 22, 2022
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 22, 2022




Iniintriga at ginagawan ng isyu ngayon si Public Attorney's Office Chief Atty. Persida Rueda Acosta dahil hindi siya bakunado.


Sina Sen. Franklin Drilon at DOH Sec. Francisco Duque ang direktang bumabatikos kung bakit ayaw magpabakuna ni PAO Chief Acosta.


Naturingan pa naman daw na bahagi siya ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte, tapos, siya ang hindi sumusunod sa utos na dapat ay magpabakuna ang lahat.


Pero, may magandang paliwanag sa isyung ito si Atty. Persida. Hindi naman daw siya anti-vaccine. Willing siyang magpabakuna kapag dumating na sa 'Pinas ang isang klase ng vaccine mula sa UK, 'yun ang bakunang hinihintay niya na darating sa February or March.


Ayon pa kay PAO Chief, noong bata siya ay may masama siyang experience sa bakuna.


Pagkatapos siyang mabakunahan ay nagkapantal-pantal ang kanyang mukha. Kaya ngayon ay hindi na siya basta-basta nagpapabakuna kahit na marami na ang namatay sa COVID na hindi bakunado.


Paglilinaw pa ni Atty. Acosta, marami na rin sa kanyang mga staff sa PAO ang bakunado kaya safe ang mga ito.


Kaya naman, humihingi ng pang-unawa si PAO Chief Persida Acosta sa mga nagtatanong kung bakit siya mismo na taga-gobyerno ay hindi sumusunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpabakuna.


Samantala, on the lighter side, may hatid na good news si Atty. Acosta. Ang 80 yrs. old na si Lolo Nardo Fernandez ng Asingan, Pangasinan na nakulong dahil sa akusasyon na nagnakaw ng 10 kilos na bunga ng mangga (na siya mismo ang nagtanim) ay tinulungan ng PAO at nakalaya na.


Inihatid ni Atty. James Fernandez ang lolo sa bayan nito sa Asingan. Bumuhos ang maraming tulong kay Lolo Nardo matapos mag-viral ang kanyang kuwento sa social media.


Maging ang beauty queen na si Rabiya Mateo at si Kuya Kim Atienza ay nagpaabot din ng kanilang tulong sa kawawang lolo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page