top of page

Kaya ayaw pa ring mag-asawa… PIOLO, MAS MAHAL ANG MGA HALAMAN KESA BABAE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 26, 2022
  • 1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 26, 2022



Inamin ni Piolo Pascual na may inggit din naman siyang nararamdaman kapag nakikita niya ang mga kaibigan and colleagues na naka-settle down na at may sari-sarili nang pamilya.


“Siyempre naman, tao lang tayo,” sey ni Papa P. nang makatsikahan namin siya sa ginanap na official launch niya bilang Beautederm ambassador kamakailan.


“Pero ano'ng magagawa natin? Mas mahal ko ‘yung mga halaman. Hindi, joke lang,” dagdag niya sabay-tawa.


Nahihilig kasi ngayon sa paghahalaman ang aktor simula nang magkaroon ng pandemic at manirahan sa kanyang rest house sa probinsiya.


Ibinahagi nga niya sa press ang kanyang naging journey bilang plantito (tawag sa mga taong plant lovers).


“Nagsimula ako sa walang alam. Tapos, binagyo ‘yung bahay namin, so lahat nu'ng itinanim ko na ibiniyahe ko sa Bulacan, Batangas, Laguna, Calamba, na-wipe-out. We were hit by a typhoon last year at 150-200 KPH.


“So, lahat nu'ng itinanim ko, natanggal. So, ‘yun ‘yung tuition fee ko,” kuwento niya.


Since then ay natuto raw siya at naging maingat na since malaki rin ang nagagastos niya sa mga halaman.


Samantala, si Papa P. ang endorser ng pinakabagong set ng oral care essentials ng Beautederm na Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste.


“Koreisu Family Toothpaste and Koreisu Whitening Toothpaste are daily essentials of mine in maintaining excellent oral health. Ang mga ito ay all-natural products na 'di lamang hygienic sapagkat nagbibigay ito ng extra layer of protection laban sa mga germs at viruses.


“Grateful ako sa aking Beautéderm family at kay Ms. Rei (Rhea Anicoche-Tan, President & CEO of Beautederm) para sa tiwala nila na i-represent ko ang amazing products na mga ito that I absolutely love,” pahayag ng aktor.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page