top of page
BULGARY - BARON, IBINUKING NG MISIS NA NASA SAFE PLACE_IG _baron.gesler.jpeg

Kaya ayaw na ng big concert… REGINE, TAKOT MALAIT ‘PAG SUMABLAY NA SA PAGKANTA

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
3 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | September 28, 2026



FRANKLY - REGINE, TAKOT MALAIT ‘PAG SUMABLAY NA SA PAGKANTA-IG _reginevalcasid

Photo: IG _reginevalcasid



Bagama’t kinumpirma ni Asia’s Songbird Regine Velasquez na ang kanyang upcoming 3-night FINALE concert ang last major solo concert niya, nilinaw niyang hindi pa naman daw siya magreretiro sa showbiz.


“For major concerts, yes (stop na), but I’m not going to stop performing altogether. I will still perform siguro sa mga smaller, intimate venues,” sey ni Songbird nang makatsikahan ng entertainment press kamakailan sa solo mediacon para sa kanyang FINALE concert.


Dahil nga sa kanyang edad, inamin niya na hindi na kakayanin ng powers niya ang mag-concert sa malalaking venue at ayaw naman daw niyang ma-bash pa siya dahil dito.

Kaya sey niya, hindi na niya hihintaying dumating ang time na malait-lait pa siya dahil lang pumalpak ang kanyang performance at ngayon pa lang, habang kaya pa niya ay titigil na siya.


“More than anything, I can’t handle na talaga ‘yung pressure na mag-stage ng huge concerts because of everything that comes with it, you know, what it entails.


“Mahaba ang preparation kasi kailangan, bongga, ‘di ba? It will eat up too much of my time, my schedule, and it’s hard because I’m also a mom and wife,” paliwanag ni Songbird.

Pag-amin pa niya, “I am not the same singer that I used to be like 10, 20 years ago. Kasi may mga pagbabago as you age talaga. But don’t get me wrong. I could still sing. It’s just that, it’s not like before anymore.”


Sobrang na-touch si Regine na na-sold-out nga agad ang day 1 ng concert within 45 minutes matapos magbukas ang bentahan ng tiket.


“I was mildly surprised kasi ang bilis. I mean, alam ko naman na bebenta pero ‘di ganu’n kabilis na in a matter of minutes, sold-out na,” aniya.


Actually, ang original plan daw talaga ay 2 nights lang ang concert at free show daw talaga dapat ito dahil pasasalamat niya ito sa fans sa 40 taon niya sa industriya.

Ang 2 nights ay nadagdagan ng isa pang gabi dahil nagkaroon ng clamor ang mga tao since nagkaubusan na ng tiket.


Magaganap ang FINALE sa October 17, 18, at 19, 8 PM sa SM Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City. Ito’y mula sa direksiyon ni Paolo Valenciano. Si Raul Mitra naman ang musical director.





Super-haba, fans tuwang-tuwa…

HALIKAN NINA RABIN AT ANGELA, 1 DAY ANG SHOOTING



Dinumog at sinuportahan talaga ng fans nina Rabin Angeles at Angela Muji ang finale episode ng Viva One romantic drama series na Dating Alys Perez (DAP) na pinagbibidahan ng RabGel love team.


Napanood namin ang nasabing last episode sa special screening held at Eastwood Cinema 6 last Saturday kasama ang buong cast at direktor na si Crisanto B. Aquino.


Punumpuno ang sinehan ng mga fans ng dalawa at halos mabingi kami sa tilian nila sa mga nakakakilig na eksena nina Rabin at Angela. Lalong dumagundong ang sigawan nang ipakita na sa screen ang mahabang kissing scene nila.


Needless to say, masayang-masaya ang lahat ng fans sa happy ending ng serye at sa mga kilig scenes ng kanilang idolo.





During the talkback session, natanong nga si Direk Crisanto kung ilang takes inabot ang long kissing scene ng dalawang bida.


“One day, two cameras, 360,” ang sagot ng direktor.


Dagdag pa niya, “Pero s’yempre, before nag-360, merong naunang ‘di naka-300. So, parang 2 or 3 times nilang inulit. Pero ‘yung pinakamahaba, of course, ‘yung 360.”

More than a minute nga raw ang nasabing kissing scene.


Natanong naman ang RabGel kung ano ang feeling nila matapos mapanood ang finale episode at ayon sa dalawa ay sobrang happy and thankful nila, lalo na nga sa kanilang mga supporters.


Sey ni Angela, feeling nostalgic daw siya habang nanonood dahil parang kailan lang ay nag-premiere sila ng Seducing Drake Palma, ang nauna nilang serye before DAP kung saan nga nagsimula ang RabGel love team.


“And I’m just so grateful for everything na parang ‘Wow! This is actually real.’ ‘Di pa nga s’ya nagsi-sink in, sa totoo lang. So ‘yun. It’s just surreal to me,” sey ni Angela.


Nang matanong kung ano ang kanilang next project after DAP, anila ay meron na raw at this time, rom-com naman, pero hindi pa raw puwedeng sabihin ang detalye.


Samantala, dumalo rin sa finale episode special screening ang iba pang cast na sina Zeke Polina, Julienne Rosello, Gab Evangelista, Frost Sandoval, Mico Chua, Ethan David at ang creator na si Ariesa ‘Beeyotch’ Domingo.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page